Ni Kitz Basila
BOLINAO,
Pangasinan West – MARIIN na himok ni Congressman Jesus ‘Boying’ Celeste sa mga
tinaguriang biktima ng salot na iligal na droga. Ito ang nagningning na bahagi
sa kanyang talumpati ugnay sa isinagawang pagdekara sa bayan na ito na
‘drug-cleared’, sa pagtitipon na ginanap sa Don Raymundo Celeste Sports
Complex, noong Abril 01, 2017.
Congressman Jesus "Boying" Celeste |
“HUWAG
nang balikan pa ang magulo at mapanganib na pinagdaanan na bunga ng paggamit
hanggang pagka-lulong sa bawal na gamot,” pangaral ni Congressman Celeste
sa 534 na tinawag ng Kapulisan na ‘surrenderers’ na dating nagumon sa paggamit
ng iligal na droga na tulad sa ‘shabu’ at iba pa.
“NAKAKAAWA
ang inyong pamilya, nalulungkot ng husto sa inyong mga mahal sa buhay, lumalayo
ang inyong mga kaibigan at kakilala, mistulang kriminal kayo sa paningin ng
iba, pinaghahanap kayo ng mga otoridad at ang masaklap ay animong alipin kayo
ng mga ilan na gahaman na nagtutulak ng gamot na dito kayo ay nabihag at
nalulung,” buod ng paunawa at paalala ni Congressman Celeste sa mga aniya ay
biktima ng kasakiman ng ilan partikular na ang mga drug-lords at tulak nito.
ANIYA
marapat na ‘totohanang pagbabago ang isabuhay’ tahakin ang matuwid na landas
para ang makatwiran na buhay ay makamit.
“KATULONG
po ninyo kami, sina kapitan, si Mayor at lokal na pamahalaan at aking tanggapan
para sa mas mainam at mas masaya at matiwasay na pamumuhay ay inyong matamasa
sa paglisan sa tukso at adya na mga panganib ng iligal na droga,” diin na
hikayat ni Congressman Boying para sa lubusang pag-iwas at pagsawata sa iligal
na droga.
MAUGONG
naman na palakpakan mula sa mga surenderrers ang sukli ng bawat panghikayat at
himok pangungusap na laman ng sampung-minuto na talumpati ni Congressman Boying
Celeste.
KABAHAGI
sa maikli ngunit tigib sa pangaral na araw ng deklarasyon na drug-cleared na
ang bayang ito, ay mga barangay chairmen, municipal councilor Rudy Caacbay –
tserman ng peace and order committee ng Sangguniang Bayan dito, PB Romeo
Celeste – pangulo ng liga ng mga barangay dito, Mayor Arnold DF Celeste at Vice
Mayor Dr. Alfon F. Celeste na inirepresenta ni Atty. Ayar Montemayor – SB
Secretary dito at ang mga biktima ng iligal na droga dito. (Akong Matyag)
No comments:
Post a Comment