Tuesday, April 18, 2017

Magarang bagong 2-Storey Alaminos Brgy Hall


BUNGA ng NAGKAKAISANG PUNYAGI. PINASINAYAAN noong April 9, 2017 ang magarang dalawang-palapag na gusali na magsisilbing Barangay Hall at Center ng barangay Poblacion, Alaminos City.
Image may contain: 3 people, people standing and flower
NANGUNA sa pagpapasinaya ay sina Mayor Arthur del Fierro Celeste at PB Samuel Alcantara, Sr., ang magkatuwang na may akda sa pagkakaroon ng modernong desinyong gusali, bihis sa magandang land-scaping sa harapan at may maluwag na paradahan ng mga sasakyan sa tagiliran nito.
KAALINSABAY ng pasinaya ay ang selebrasyon na inihanda para sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng barangay Poblacion (10th Founding Anniversary) at ang misa na alay para sa okasyon at paggunita sa araw ng Palapas-bilang hudyat sa semana-santa ng taon na ito. (Photo by CIO Alaminos City)

No comments:

Post a Comment