Sunday, September 29, 2013
Mass based Proyekto ni Mayor Bona isu-sumite na sa Konseho
MANGALDAN, Pangasinan – Si Mayor Bonafe de Vera-Parayno ng bayan na ito ay mag susumite ng kanyang mga maka masang proyekto para sa susunod na ta-on bago dumating ang deadline ng batas sa Oktobre 16 ngayong taon.
“Some of these projects are practical, pioneering, revolutionary, and income generating that could be a model to towns and cities not only in Pangasinan but in the country,” ani ng isang opisyales ng first class na bayan na ito na ayaw magpakilala.
Ayon sa kanya, ang mga proyektong ito ay nanga-nga-ilangan ng paborabling suporta at boto ng mga councilors ng Sanggunian Bayan (SB).
Ilan sa mga nasabing proyekto ay ang 1) Conversion ng hindi na ginagamit na Third Floor ng municipio sa Multi-Function Hall; 2) Swimming Pool; 3) Urgent Care Clinic.
Sabi ng source ay pansamantalang wala munang corresponding proposed budget ang bawat isa dito dahil under deliberation pa sila ng mga municipal heads at ni mayora.
Multi-Function Hall
Sa panayam ng diyaryong ito, sinabi ni Mayor Bona na ang multi-function hall ay hindi lamang tatayong income generating sa bayan na ito kung hindi ay maging isang escape venue ng mga mamamayan dito pag dating ng dilubyo.
Ang pagbabago sa nasabing third floor ay magpapakita sa mga tao dito na ang gusali ay hindi napapabayaan, hindi madumi, hindi madilim, at hindi na mapipintasan na hunted house ng mga taong dumadaan.
“Maging evacuation center ito. Hindi lang namin lalagyan ito ng elevator para hindi mahihirapan umakyat ang mga customers ng multi-purpose hall, kung hindi para na rin magamit ng mga dislocated residents, maykapansanan, at mga matatanda na gustong umakyat sa third floor para doon mag tago habang binabagyo at binabaha ang lugar nila,” ani ni Mayor.
Pahayag ni mayor na sa ngayon ang elevator, gaya ng kotse, ay hindi na isang luho kung hindi isang pangunahing panganga-ilangan para mapadali ang isang gawa-in.
Sabi ni de Vera-Parayno sa mga nangangantiyaw at hindi naniniwala sa elevator at swimming pool: “Huwag muna nila akong husgahan dahil isu-sumite at pagdidebatihan pa itong mga proposed projects sa SB ,” sagot niya ng tanungin ito matapos mainterbyu ng isang estasyon ng radio si Vice Mayor Manuel Casupang na tila ata nagdududa sa kanyang mga proyeto.
Sa isang interbiyu sinabi ni vice mayor na hindi basta-basta makapag implement ng proyekto si Mayor Bona na walang pahintulot ng SB.
Reaksiyon ng isang municipal official, na ayaw magpabanggit ng pangalan, masyadong biglaan ang tugon ni Casupang sa mga proposed projects:
“Hindi niya pueding sabihin iyon. That’s why we are preoccupied nowadays at the mayor’s office detailing the nuts and bolts of the projects before we submit them for debate at the SB”.
Swimming Pool
Sinabi ni de Vera-Parayno, na lumaki sa Estado Unidos, na ang swimming pool ay ilalagay sa Mangaldan National High school para sa libring gamit ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.
“It would be a training ground for disaster preparedness for the flood prone town where water rises as high as the rooftop of the houses “.
Ang swimming pool, dagdag pa niya, ay magiging daan kung saan mahahasa ang galing sa paglangoy ng mga kabataan at mamayan dito hindi lang sa pagdating ng kalamidad pati na rin sa sports competition sa labas ng bayan na ito.
“Isa pa, ito ay maging income generation sa mga parokyano na gustong gamitin ang swimming pool para sa kanilang private function sa minimum na halaga”.
Urgent Care Clinic
Sabi pa ni mayor, na kung saan ang kaniyang pamilya ay na sa health care business sa U.S, na kanyang aayusin ang old infirmary building sa maliit na halaga lamang para ito ay magamit na first aid clinic, makakatulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon ng mga ta-o na nasugatan o na aksidenti.
“It takes 45 minutes inclusive of traffic to bring to Dagupan (City) a patient to a hospital there who was either struck by cardiac arrest or stroke”.
Paliwanag niya na ang mga untimely death ay maiiwasan sa bayan na ito kung may urgent care clinic dito.
Ginawa niyang halimbawa ang biglaang pagkamatay ng dating mayor Herminio Romero na isinugod pa sa ospital sa Dagupan City matapos siya atakihin ng heart attack sa isang consultation meeting sa San Fabian.
Sabi niya ang clinic ay mapagkikita-an ng bayan na ito sa mga ta-ong may pera na sa pamamagitan ng socialized payment depende sa kinikita nila sa buhay.
Pero libri ang clinic, dagdag pa niya, sa mga mahihirap.
“Parang Region 1 Medical Center(R1MC) kung saan ito ay kumikita ng P1 million kada araw sa mga pasyente na may kayang magbayad sa maganda nitong serbisyo kumpara sa mga private hospital sa Dagupan City. Ang kinikita ng R1MC ay ginagamit pantustos sa paglunas sa mga mahihirap nitong pasyente na walang pambayad. Itong ginagawa ni Mayor Bona ay isang master stroke na ang hindi naniniwala dito ay iyong mga taong may piring ang kanilang mga mata,” sinabi ng source ng diariong ito.
Sa ngayong ang mga political observers sa loob at labas ng bayan na ito ay nag-aantay kung paano tatangapin ng SB ang reasonable, pioneering, revolutionary, at income generating projects ni Mayor. “Sana mangibabaw ang talino habang dinidebatihan ang mga proyektong ito sa council,” sabi ng source.
Pangamba dahil sa pagtanggal ng P3.2 million pork
Ang ikinababahala ng executive department dito, tanong ng source, ay baka kaagad-agad na harangan nila vice mayor at mga councilors ang proyekto para sa susunod na taon pagkatapos tangalin sa kanila ni Mayor Bona ang kanilang P3.2 million na pork –barrel na kanilang nakasanayang gamitin sa pag identify ng mga projects na gusto nila mag mula pa noong panahon ni dating mayor Benigno Gubatan.
“Kasi noong meeting noong September 2 sa office ni mayor isang miembro ng SB ang nag banta na i-de-deny daw nila ang projects ni mayor matapos tangalin ang pork nila,” ani ng source.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
We have analyzed this fight in great detail, which you can see here: Oscar De La Hoya Compliments Canelo Alvarez
ReplyDelete