Rep. Gina de Venecia |
Ano
po ang message nyo sa mga Dagupenyos kaugnay ng Bangus Festival?
Una, masayang-masaya
po ako na makasama kayo dito sa Kalutan
ed Dalan, sa ating selebrasyon ng Bangus
Festival!
Ang mensahe ko po, sana ang engradeng
selebrasyong ito ay lalong magbigay sa atin ng inspirasyon para lalong magsikap
na mapaunlad ang bangus industry sa
Dagupan. Kasi, ang bonuan bangus ay
talagang world-class at
maipagmamalaki sa buong mundo.
Ano po ba ang mga nagawa na natin para mapaunlad
ang bangus industry?
Una, alalahanin
natin na ang inyong Kuya Joe de Venecia ang nagtatag ng kauna-unahang hatchery ng Bonuan Bangus sa Pilipinas.
Ito ay nasa BFAR, sa Bonuan Binloc. Dito nanggagaling ang halos lahat ng punla
ng Bonuan Bangus sa buong bansa, at maging ang private sector at foreigners ay dito nag-aaral kung paano ang tamang
pag-aalaga ng bangus.
Bukod dito, nagtayo
rin ang inyong Kuya Joe ng Asian
Fisheries Academy na nasa BFAR din. Ito ang pinakamagandang training facility tungkol sa fishing industry
sa buong Pilipinas.
Ang pangatlo ay
ang modernong Seafood Processing Plant. Wala
pong gastos ang pamahalaan sa pagtatayo ng plantang ito, dahil ang lahat ng
pondo ay nagmula sa bansang Korea. Ito po ay naitayo sa Dagupan, dahil sa
hiling ng inyong Kuya Joe.
Natutuwa po kami,
dahil sa May 14, ay magsisimula na ang operasyon nito, kung saan dalawampung
tonelada ng bangus ang nakatakdang i-proseso para ibenta sa bansang Amerika.
Hindi nyo
naitatanong, ang sistema ng processing ng
ating seafood plant ay pasado na sa pharmaceutical international standard na
kung tawagin ay Hazard Analysis Critical
Control Points, kaya bukas na po ang pinto para ang ating mangingisda ay
makapagbenta ng kanilang ani, hindi lamang dito kundi maging sa mga international markets, gaya ng Estados
Unidos. At ayon kay Dr. Westley Rosario, na
siyang manager ng planta, may mga buyers na rin tayo mula sa bansang
Middle East at China. Ang plantang ito ay may kakayahang magproseso ng limang
toneladang isda, kada linggo.
Malaking tulong din ito sa mga mangingisda
kapag may kalamidad, dahil pwede na nilang agahan ang kanilang pag-ani upang
mai-proseso ito, bago tangayin ng baha kapag may bagyo.
Ang mas maganda
pa, sa pamamagitan nito, nakapagbigay tayo ng karagdagang employment opportunity para sa kababayan nating maralita.
Ang totoo nyan,
nakalulungkot man, pero ang ating bayan ay medyo nahuhuli pagdating sa
eksportasyon ng bangus at iba-pang aning-dagat. Pero dahil sa plantang ito,
puwede nang ibenta sa pandagidigang merkado ang napakasarap na Bonuan Bangus.
Ano pa po ba ang nakikitang nyong
problema sa bangus industry?
Sa huling
pagbisita ko dito, nakita kong tinatangay na ng tubig-dagat ang bahagi ng
dalampasigan na tinatayuan ng planta. Kaya agad po akong nakipag-usap kina DPWH Secretary Rogelio
Singson at sa ating Budget Secretary
Butch Abad upang agad na maipagawa ang seawall bilang karagdagang proteksiyon ng ating Processing Plant. Sa kasalukuyan,
hinihintay na lamang po natin ang 50 million
budget para masimulan na ang paggawa nito.
May karagdagan pa ba kayong message?
Bilang
kongresista, may panukala din ako tungkol sa pagtatayo ng moderno at malaking Dagupan
City Fish Port, bilang suporta sa
ating seafood processing plant upang
ang Dagupan ang maging sentro ng fishing
industry sa Northern Luzon.
May programa rin
po akong pangkabuhayan sa sa mga nagtitinda ng isda. Katunayan, nitong mga
nakalipas na buwan ay nagbigay ako ng pondo sa Bangus Vendors Association of Dagupan, upang lalo nilang mapalago ang
kanilang negosyo.
No comments:
Post a Comment