Ni Mortz C. Ortigoza
SAN FABIAN, Pangasinan – Sinusuri ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Bise Gobernador Mark Ronald Lambino ang ordinansang ipinasa sa bayang ito na nagpapatibay sa ordinansa ng pamahalaang panlalawigan ukol sa pagamit ng high-visibility reflective vest at light para sa mga rider ng mga sasakyang may dalawa at tatlong gulong.
Sa Ordinansa Blg. 4, Serye 2026 na isinumite ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan dito para sa pagsusuri ng Sangguniang Panlalawigan sa Lingayen, Pangasinan, ang ordinansa ay may pamagat na:
"Isang Ordinansa na Nag-aatas ng
Mas Mataas na Visibility sa Gabi sa mga Rider ng Motorsiklo, Traysikel,
Bisikleta, E-Trike, at E-Bike sa Pamamagitan ng Paggamit ng High-Visibility
Reflective Vests para sa Lahat ng Rider ng Motorsiklo at Traysikel, at
Reflective Vests at/o High Visibility Lights para sa mga Rider ng Bisikleta,
E-Bike, at E-Trike Habang Bumabiyahe sa mga Lansangan ng Lalawigan ng
Pangasinan mula 6 P.M. hanggang 6 A.M. at Pagpapataw ng mga Parusa Rito."
Ang batas
ay itinaguyod (sponsored) nina Sangguniang Panlalawigan (SP) Members Marinor B.
de Guzman at Jerry Agerico B. Rosario, at magkakasamang itinaguyod
(co-sponsored) nina SP Members Joyce D. Fernandez, Raul R. Sabangan, at Martin
Raul S. Sison II.
PROVINCIAL
ORDINANCE
Ipinag-uutos
ng Provincial Ordinance No. 325-2024 noong Agosto 1, 2024 ang pagsusuot ng
high-visibility reflective vest, luminous-colored garments at paglalagay ng
pailaw mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Saklaw ng
ordinansang ito ang lahat ng drivers at rider ng motorsiklo, tricycle,
bisikleta, e-bike, at e-trike. Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay
paparusahan o pagmumultahin gaya ng sumusunod:
1. First
Offense Warning; 2. Second Offense P1,000 fine; 3. Third Offense P2,000 fine;
4. Fourth Offense P5,000 fine and/or imprisonment of not more than 1 year at
the discretion of the court.
Si
Pangasinan 4th District Board Member Jerry Agerico Rosario ang pangunahing may
akda ng ordinansa. Ayon sa kanya, nasa dalawang katao ang namamatay sa
vehicular accident sa Pangasinan kada-araw. Karamihan ay kinasasangkutan ng mga
motorcycle riders.
Ang Provincial
Ordinance Violation Receipt (POVR) ay nasa ilalim ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹
𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
𝗡𝗼. 𝟰-𝟮𝟬𝟮𝟱 na unang
iminunkahi noong Nobyembre 7, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan dito.
Ito ay may
pamagat na: An ordinance establishing a provincial ordinance violation
receipt system to achieve a more systematic and orderly issuance of receipt and
collection of fines and penalties for violation of ordinances of the Province
of Pangasinan.
No comments:
Post a Comment