By Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan – Doble’ kayod at dagdag proyekto ang
gagawin ng mga opisyal dito sa pamumuno ni reelective Mayor Jolly Roque “JR”
Resuello.
Ani nito bibigyan niya ng paraan sa susunod na tatlong taong mandato niya ang sports development, mga magsasaka, imprastraktura, paghikayat sa mga investors, pagpapatayo ng bagong slaughter house at iba pa.
Litrato na Basista Boy Scout of the Philippines (BSP) Coordinators diyad pangiuulo nen Sir Jumely Montemayor-School Head In-Charge na
Scouting kaibay Hon. Jolly "JR" R. Resuello, Mayor ed baley na
Basista. (Litrato nala ed Facebook post nen Sir Jumely Montemayor)
Sports
“Mag focus tayo sa mga
kabataan katulad kung saan nadamutan sila ng pagkakataon sa sports,” diin
ng batang Alkalde lalo na noong nagka locked down dahil sa pandemya.
Farmers
Giit nito lalong pagtitibayin ng pamahalaang Resuello ang
samahan ng mga magsasaka dito sa pagpatuloy ng mga programang nakalaan sa
kanila.
Infrastructure
Sinabi nito na kailangang tutukan ang proyektong imprastraktura
dahil marami ng kailangan ang bayan na ito.
Investors
“Invite sa mga
investors diyan sa palengke, ganoon din sa slaughter house na pinaplanong
itayo. Sa mga kailangang ipatayo dito sa ating mahal na bayan ng Basista,” sambit
nito sa Northern Watch Newspaper.
Sinabi pa ng Alkalde na patuloy nilang hinihikayatin ang mga
investors sa paglagak ng mga kanilang negosyo dito.
Magmula ng siya ay nanalo noong May 2019 election marami ng
mga umusbong na mga edipisyo at negosyo sa ilalim ng kanyang administration.
“Dito sa Basista ay
iisa with my Vice Mayor and the members of the Sanggunian Bayan at iyong 13 na Kapitanes at mga manggagawa para maging maayos at maganda iyong flow ng mga
mangyayari sa bawat barangay at sa bayan namin”.
Sinabi rin ng Mayor na malapit ng ma ipatupad “ang plano ng aming flood proof na palengke
para maging maginhawa sa mga mamimili”.
Bukod sa mga tao dito, ang mga parokyano ng palengke ay
nangagaling pa sa mga barangays ng San Carlos City, Bayambang, at Urbiztondo.
No comments:
Post a Comment