By Mortz C. Ortigoza
Madaming mga first term and second term mayors ang natalo nitong nakaraang May 9, 2022 eleksyon.
Hindi ako bilib sa kanila –
paano kayo natalo hawak ninyo ang kaban ng munisipyo?
Nandiyan ang kapangyarihan ninyong mangupit o tumangap ng cut o S.O.P sa mga
contractors at suppliers para makapagkamal kayo ng salapi na pamigay ninyo sa mga constituents ninyo na pumupunta
sa bahay at opisina ninyo. Nandiyan na ang allocated budget ng Sangguniang Bayan o
Panlungsod (legislature) na milyon-milyon sa social services na hawak
ng social welfare chief ninyo pang ayuda ninyo sa mga nasasakupan ninyo. Paano
pa kayo matatalo sa ingratiation game ng kalaban ninyong private citizen na gumagamit
ng sariling pera niya panustustos sa mga botante para manalo siya sa inyo?
Iyong ibang natalo alam naman nating maraming datung galing
sa nakaw pero ang ugali hindi makain ng aso kaya kahit malaki ang presyo ng
vote buying sinusuka pa rin sila ng mga mamamayan sa bayan nila.
Photo credit: Dailytrust |
Ang masakit pinagsisiraan at pinagkakanulo iyong mga natalong mayor at
pinaka-masakit mismong iyong pinagkakatiwalaan ng isang alkalde pinagkukuwento
kung paano nila ninanakawan ang bayan thru S.O.P galing sa contractor at
suppliers.
Ansakit talaga Kuya Eddie!
Naala-ala ko tuloy ang pelikulang General’s Daughter kung saan si Lieutenant General Joseph Campbell
(actor James Cromwell) ay tinanong ng anak niyang si Army Captain Elisabeth
Campbell (actress Leslie Stefanson) kung ano ang mas masahol pa sa rape.
Tanong ng ama, “ano?”
Ani ng dalagang militar na anak niyang maganda: Betrayal Daddy, betrayal!
Si Elisabeth Campbell
ay ni rape ng mga upperclassmen o senior niya sa United States Military Academy
sa West Point, New York noong nag –field training exercise (FTX) sila. Nakilala
iyong mga rapist at mga bumugbog sa kanya kung saan iyong isa ay nasalinan pa
siya ng venereal disease. Pero ang U. S Military ayaw mapahiya ang West Point kaya
ito’y nag offer ng quid pro quo kay
two-star o Major General Campbel: Dagdag na star para maging Lieutenant General
ka pero iurong ang demanda kontra sa mga Kadete ng West Point.
Pumayag si General pero pumalag at nagpakamatay naman ang
anak niyang psywar expert na Kapitan.
***
Ngayong itong mga alkalde na natalo noong 2019 ay nanalo
noong nakaraang May 9, 2022 poll, paano na lang itong mga naninira sa kanila na mga department heads at rank-and-file workers sa tatlong taon term noong mga natalo ngayon?
We can expect here na many of them ay mag ala Philippine
Navy. Ibig sabihin floating ang mga hinayupaks (nagsusueldo pero dedma ni bagong
mayor dahil may sariling tao siya na kukunin), iyong mga lower level na sipsip
sigurado tapon sa mabahong palengke at makikita na lang natin na nagwawalis
sila doon na parang Metro Aide ni Imelda Marcos, iyong iba naman itatapon doon
sa sementeryo, basurahan, slaughter house (mag-papala ng ta-e ng baka at baboy hahaha - anak ng bakang dalaga - na nagbawas habang kinakatay), at iba pa.
Advice ko: Kayong mga linta sa incumbent mayor alalay lang
at huwag masyadong mayabang. Iyang alkalde ninyong nanalo ngayon baka sa May
2025 eleksiyon matatalo iyan at alam ninyo na ang consequence sa mga sopsop, este sipsip na tulad ninyo.
READ MY OTHER BLOG:
Less Moneyed Mayorship Bet uses Bluff to Win Election
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment