BY CONG. TOFF DE VENECIA
Hell mga Kabaleyan! Nabasa ko itong magandang quote na ito mula kay Theodore Roosevelt, dating presidente ng Estados Unidos patungkol sa negosyo at sa pagsisikap
Ang sabi niya, “No country can long endure if its foundations are not laid deep in the material prosperity which comes from thrift, from business energy and enterprise, from hard, unsparing effort in the fields of industrial activity... Let us therefore boldly face the life of strife, resolute to do our duty well and manfully.”
Napaalalahanan ako ng importansya ng ating mga lokal na mSMEs sa pag-unlad ng ating komunidad at ng ating estado, at ng sipag sa kung anumang papasukin natin na trabaho o negosyo.
Congressman Christopher de Venecia.
***
Binisita natin kamakailang ang dating PNR site sa Mayombo, Dagupan kasama ng heritage conservation group na Jayceeken at si Kap. Ming Guadiz.
Ating ininspeksyonan ang nagawa ng kanilang grupo para sa gusaling ito nung nakaraan, ang paglinis ng mga gabundok na basura mula nang ito ay naging MRF o materials recovery facility.
Tayo’y namangha - hindi lamang sa tanawin at arkitektura, kundi sa kasaysayan nito at pagsisikap ng grupo na idevelop ito bilang cultural hub sa ating ciudad.
Marami tayong kelangang gawin para maibalik ang dati nitong sigla pero ang importante, simulan na ito para slowly but surely, makarating tayo sa ating destinasyon.
1. Kelan nating makuha ang kooperasyon ng PNR para i-develop at gamitin ang naturing lugar
2. Kelangang maideklara ito bilang important cultural property o cultural treasure ng National Historical Commission of the Philippines, ng NCCA at ng National Museum, para narin mabigyan ito ng karagdagang suporta.
3. Ipahukay ang natabunang basura sa DPWH at i-coordinate ito sa lokal na pamahalaan.
4. Kelangan ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor para mag-ambag sa pagpapayabong ng PNR. Mula sa mga aktibidades na pang-sining hanggang sa mga maliliit na mga home improvement kung tawagin.
Kung nais niyong makilahok at tumulong, mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa
Jayceeken Dagupan
/ Jayceeken Dagupan
No comments:
Post a Comment