By Mortz C. Ortigoza
MANILA, Philippines — Kakapasa lang ng tatlong mahalagang panukala o bills na akda ni Pangasinan Fourth District Rep. Christopher “Toff” de Venecia sa House of Representatives.
Ang mga inaprubahan ay ang House Bill 8133 na magpapatayo ng Edades and Bernal Cultural Museum sa Dagupan City, HB 8377 na mag deklara sa Municipality of Manaoag na tourist destination, at HB 8385 na mag tataguyod sa pagsama ng urban agriculture para ma solusyunan ang kakulangan ng pagkain sa hapag kainan ng mga Filipino.
Ang mungkahing Edades at Bernal Museum ay para bigyan galang si Victorio Edades, kilala na Ama ng Modern Philippine Painting at Salvador Bernal ang kilalang guru ng Philippine Theater Design.
Ang dalawa ay pinanganak sa Dagupan.
Samantala, ang bayan ng Manaoag ay sentro ng Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag kung saan libo-libong manglalakbay at debuto ang nagtatagpo kada linggo para sa kanilang pananampalataya.
Ang mungkahing pagsama-sama ng urban agriculture ay para ang mga Filipino ay may panggawa ng pagkain na mas madaling gawin sa mga probinsiya kaysa sa mga lungsod.
No comments:
Post a Comment