Saturday, January 2, 2021

Nakapilang mga Proyekto ngayong Taon sa Kuatro Distrito

 By Cong. Toff de Venecia

Mula po sa aming pamilya, manigong bagong taon po sa inyo, mga kabaleyan! Sana'y maging ligtas at masaya po ang ating pagdiriwang. Sama-sama po nating salubungin ang bagong taon kasama ang ating mga pamilya ng nakangiti, matatag, at puno ng pag-asa!

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!

***

Magandang araw mga kabaleyan! Kasama sina Manay Gina at JDV, pinaunlakan po ng inyong lingkod ang inagurasyon ng barangay hall sa Brgy. Caloocan sa Manaoag. Sana po'y magsilbi itong hindi lang tanggapan sa inyong mga kailangan, kundi pati narin ikalawang tahanan ng ating mga kabaleyan sa Manaoag!

Tuloy-tuloy po ang #SerbisyongSubokNa na hatid ng inyong lingkod tungo sa mas maunlad na imprastraktura sa buong Distrito Kwatro!

PROJECTS. One of the projects being inspected by Rep. Christopher “Toff” de Venecia to be finished this year in the Fourth Congressional District in Pangasinan. 


***

Ang aming pamilya ay taos-pusong nakikiramay sa mga kaanak at pamilyang naulila ng University of the Philippines Professor Emeritus, Founding Artistic Director ng Teatrong Mulat ng Pilipinas, at National Artist na si Amelia Lapeña-Bonifacio.

***

Ang inyong mga likha ay patuloy na magsisilbing inspirasyon para sa aming mga mandudula at ito'y magmumulat sa mga susunod pang henerasyon ng industriyang sining magpakailanman.

***

Tayo'y nagsagawa ng site inspection sa mga nakapilang agri-tourism projects natin sa taon na ito sa San Jacinto. Asahan ninyong ito'y makapagbibigay ng trabaho sa mga manggagawa ng agrikultura at turismo at siguradong magugustuhan ng ating mga kabaleyan at turista ang binubuong destinasyon!

Hatid ng inyong lingkod ang #SerbisyongSubokNa sa pinagsamang industriya ng agrikultura at turismo para isa ika-uunlad ng buong Distrito Kwatro!

No comments:

Post a Comment