Thursday, November 12, 2020

Patuloy ang Libring Pamamahagi ng Face Masks, Face Shields

 

By Cong. Toff de Venecia

Sa pagpapatuloy na health protocols sa pagresponde natin sa pandemya, tayo'y namahagi ng facemasks at face shields sa Barangays Binday, Colisao, Ambalangan Dalin, at Palapad upang magamit ng ating mga kabaleyan sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Lagi nating tandaan na magsuot ng face mask at shield para maproteksyunan ang ating pamilya at mga kasamahan sa trabaho at komunidad.

Tuloy tuloy ang #SerbisyonSubokNa para sa ating mga kabaleyan. Ingat po tayo!

THE RECIPIENTS of the generosity of Pangasinan Fourth District Representative Christopher “Toff” de Venecia (speaking right side) of the free face masks and face shields in one of the five villages in San Fabian, Pangasinan.


Mga ka – Padayon maraming tumutok dito sa Facebook noong alas tres ng hapon ng November 11 sa Panayam Segment ko tungkol sa tinataguyod kong Sining at Kultura sa Kongreso. Tinalakay natin ang mga hakbang na ginagawa natin sa Arts and Culture and Creative Industries Block o ACCIB sa Kongreso.

Tamang kaalaman tungo sa malayang kaisipan. Ang kultura ay susi sa kadakilaan. Isang oras lang ang kailangan.

Sulong na!

Xxx

Sa panahon ng pandemya at distance learning, isa sa mga pagsubok na kinahaharap ng ating mga eskwelahan at guro ang paggawa at pag-distribute ng mga modules.

Kaya naman kasama natin ang Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. na namahagi ng mga papel at photocopy machine upang makadagdag sa mga susunod na nilang pag print sa mga modules para sa kanilang mga mag-aaral.

Maraming Salamat sa Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. sa kanilang donasyon para sa ating distrito. Tuluy- tuloy ang #SerbisyongSubokNa na hatid ng inyong lingkod para sa ating mga mag aaral, mga guro, at mga magulang na nagpupursigi para sa edukasyon ng atin mga estudyanteng kabaleyan!

No comments:

Post a Comment