Saturday, May 2, 2020

Cong. Toff namigay ng food packs sa barangay frontliners



Ngayong extended ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), extended din ang serbisyo ng mga frontliners, kaya naman, extended din ang pamimigay ng tulong ni Congressman Toff de Venecia. 
 
Mula noong Lunes, ay namigay na ng food packs ang tanggapan ng kongresista sa mga frontliners ng 140 barangay ng Quatro Distrito.
Ang food packs na ito ay naglalaman ng canned goods, noodles at powdered milk.
 
Ilan sa mga tumulong kay Congressman De Venecia sa adhikaing ito ang Pilipinong May Puso Foundation at ang PAGCOR.

No comments:

Post a Comment