Maraming magandang katangian si Congressman
Toff de Venecia, isa sa mga ito ang pagiging masigasig na paunlarin ang sarili,
sa pamamagitan ng pag-aaral.
Ang sabi nga ng ating magulang, ang pera ay
nauubos, pero ang talino, dulot ng edukasyon ay taglay natin habang-buhay.
Makalipas ang tatlong taong pagtitiyaga, si
Congressman de Venecia ay ginawaran ng Executive Certificate in Public
Leadership ng isa sa pinaka-natatanging pamantasan sa buong mundo ang Harvard
Kennedy School (John F. Kennedy School of Government) ng Harvard University sa
Cambridge, Massachusetts.
Narito
ang pahayag ng kongresista:
"I learned so much over the course of
those yearly excursions to Boston and I must admit, I will miss those early
morning and late afternoon walks along the Charles River, and navigating myself
as the young person in the room amidst all the fine, astute public managers
I’ve had the fortune of meeting and learning from over the last three
years." But something tells me this isn’t the end, rather, it’s only the
beginning. So grateful to Sandy Cels and Mark Moore who mentored me in my last
course called “Collaborative Solutions” - soon after, I was ripped and roaring
to apply what I had learned to my work - both in congress and in the
theater." Here’s to more opportunities for learning as they should never
stop, regardless of where you are in life."
Marami ang nagtanong kung paano niya ito
nagawa, gayung marubdob ang kanyang pagtatrabaho sa Kongreso bilang Assistant
Majority Leader at sa distritong kanyang kinakatawan, ang ikaapat na Distrito
ng Pangasinan. Napag-alaman na tuwing may recess sa Kongreso, sa halip na
mamasyal o magpahinga, ang kongresista ay nagtutungo sa Harvard para magpagal
sa pag-aaral. Ito ay naisip niyang gawin sapagkat naniniwala siyang mas
magiging mahusay ang kanyang paglilingkod sa kanyang kababayan, kung sapat ang
kanyang kaalaman. Si Congressman De Venecia ay nagtapos ng elementarya sa
Colegio de San Agustin sa Makati City, high school sa Ateneo de Manila
University, kung saan siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong Political Science.
Bago nanilbihan bilang kongresista, si Congressman De Venecia ay nag-aral din
ng Public Administration sa University of the Philippines. Matatandaang si
DepEd Secretary Leonor Briones pa ang nagdisenyo ng curriculum na kanyang
pinag-aralan.
No comments:
Post a Comment