Wednesday, September 11, 2019

Pahayag ng Pamilyang Espino sa Tangkang Pagpatay kay Ex-Cong Amado, Jr


Sa aming mga minamahal na mga kababayan,
Ikinalulungkot at mariing kinokondena ng aming pamilya ang tangkang pagpatay sa dating Gobernador at dating Kongresista ng ika- limang Distrito ng Pangasinan Amado T. Espjno, Jr., na naganap sa Barangay Magtaking, Lungsod ng San Carlos, kahapon, ika-11 ng Setyembre.
ONLY ONE DEAD not all five body guards as some media outlets earlier reported. Likewise, Police Regional Director Joel S. Orduña said aside from the vehicle of former congressman Amado Espino Jr, he had two convoy vehicles (latest media report said it was one backed up car) as backed up before two cars of the gunmen blocked the path of his Toyota Land Cruiser car. Not the sole Toyota Innova he was riding as media reported earlier. Photo Credit: Bombo Radyo-Dagupan City
Bagamat ligtas at maayos na po ang kalagayan ng ating dating Gobernador at Kongresista, kami po nakikiramay sa pamilya ni Police Staff Sergeant Richard Esguerra na nasawi sa nabanggit na insidente.
Samantala, ang ibang kasama sa convoy naman ay kasalukuyang ginagamot at nagpapagaling kasama ang ating dating Congressman sa isang ospital.
Sa ngayon, inaantay po namin ang resulta ng masusing imbestigasyon na kasalukuyang ginagawa ng ating kapulisan dito sa Pangasinan. Umaasa po kami na mabilis na matukoy at mahuli ang mga salarin at lahat ng mga nasa likod ng krimen na ito.
Sa puntong ito, nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal, at sa lahat ng inyong suporta at dasal.
Maraming Salamat po.
ESPINO FAMILY
Source: Butch Velasco, PIO-Pangasinan

No comments:

Post a Comment