LINGAYEN
– Ang plano ni Gov. Amado “Pogi” Espino III na gawing investment destination
ang Pangasinan ay lalong lumakas ang tsansang maisakatuparan matapos ihayag ng Pangulong Duterte
ang kanyang pagsang-ayon sa pagpapatayo pa ng karagdagang coal-fired power
plant sa bansa upang masawata ang maaring pagkakaroon muli ng krisis sa
kuryente.
President Rodrigo Duterte,
second from left, poses with South Korean President Moon Jae-in for a photo
during a meeting at the presidential Blue House in Seoul, South Korea last
year.
|
Magugunita na isa
pang coal-fired power plant ang balak ipatayo sa bayan ng Sual ng Korean
Electric Power Corporation na nagkakahalaga ng two billion US dollars. Ang
naturang power plant ay may generating capacity na 1,000 megawatts.
Ang pagpapatayo ng
power plant ay isa sa mga pinag-usapan sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa
South Korea noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilateral
meeting ng Pangulo at ni President Moon Jae-in ng South Korea, hinikayat ni
Pangulong Duterte si President Moon na dagdagan pa ng South Korea ang investment
sa Pilipinas, lalong-lalo na sa energy
generation, manufacturing, automotive, food processing at agri-business.
Naging positibo naman
ang tugon ni President Moon at sinabi pa nito na “very special” ang turing ng
South Korea sa Pilipinas.
Dahil dito lalong
lumakas ang pagkakaton na matuloy ang pagpapatayo sa Sual ng isang
state-of-the-art coal-fired power plant. Gagamitan ito ng advanced technology
upang maiwasan ang pollution.
Ito ay ikinatuwa ng
maraming mamamayan ng bayan ng Sual dahil nangangahulugan ito ng dagdag na
humigit-kumukulang sa dalawang libong trabaho sa mga mamamayan ng Sual.
Magkakaroon din ng
humigit-kumulang na P800 million karagdagang revenue bawat taon para sa
probinsiya, sa bayan ng Sual, at Barangay Baquioen na kung saan ipapatayo ang
naturang planta ng kuryente.
Sumang-ayon din ang
project proponent na bigyan ng discount sa singil ng kuryente ang bayan ng Sual
bilang host municipality.
Sa pamamagitan ng
karagdagang pondo na manggagaling sa pangalawang power plant, maipapatupad ng
municipal government ang mga mahalagang proyekto tulad ng hospital, seaport,
agricultural modernization, expanded scholarship program para sa kabataan,
resettlement project para sa lahat ng informal settlers, at iba pa.
Ang bayan ng Sual ay
binansagang Energy City of Pangasinan sa pamamagitan ng resolution ng
Sangguniang Panlalawigan na suportado ni Governor Amado Pogi Espino III.
No comments:
Post a Comment