Monday, January 16, 2017

Seafood Processing Plant, pinasusuportahan


Ni Paquito Basila

Sual, Pangasinan – HILING ni Mayor Roberto ‘Bing’ Llamas Arcinue kay Secretary Manny Pinol ng Department of Agriculture ay ang suporta sa balak na pagpapatayo rito ng Seafood Processing Plant, sa madaling panahon.

PINOL. Sinalubong ni Sual  Mayor Bing Arcinue (2nd from left) at
Pangasinan Governor Amado Espino III si Agriculture Secretary
 Manny Pinol  (extreme right)  noong namigay ng fishing
equipment sa mga mahihirap na fishermen ang kalihim.
Ito ay laman ng liham ng alkalde na personal na ini-abot sa pagbisita rito ng kalihim noong December 29, 2016.

Ayon sa kahilingan ay sadyang kailangan ng bayang ito ang Seafood Processing Plant para higit na mahusay na pagtangan sa 60,000 kilogram na ani araw-araw sa kabuuan na 50,000,000 piraso ng bangus kada taon na taglay ng mariculture industry dito. Maliban pa sa ibibigay na dagdag trabaho para sa mga mangingisda at malalapit na kapamilya.
Ang paghiling ay naging bahagi din ng talumpati ni Mayor Bing Arcinue sa pagtanggap sa mga dumalo sa turn-over rites program ng DA, na naganap sa bagong ‘bagsakan center building’ sa magarang municipal wharf dito. (Kitz Basila)

No comments:

Post a Comment