Ni Paquito Basila
NAKAGAWIAN na kasayahan ang nagbibigay aliw sa taumbayan. Ganito ang naibubuyangyang sa pagdiriwang ng Dakilang Araw ng Kapanganakan ng ating Poon Jesus.
HIGH CALIBER. Mr. Paquito Basila whose distincive articles in the vernacular make raves and waves in the archipelago. |
Sandamakmak pa rin na pagkain. Iba’t-ibang palaro, pakitaan ng gilas at galing. Walang hangganan na kwentuhan, kumustahan sa piging ng mga magka-opisina, magka-kaibigan, magka-kabarangay, magka-kapartido sa pulitikahan, nag-plaplastikan na ilan at siyempre batian na totoo at pakitang-tao.
Walang nababago sa kasanayan na noon pa hanggang ngayon ay kay haba-habang selebrasyon ang inu-ukol sa Pasko ng liping mababaw ang saya at todo-matiisin.
Pero, kapuna-puna na humina na po sa parte ng mga nasa pamahalaan ang ‘May I or May We’ na pasakali sa mga may kalakal sa pamahalaan. Waley na po ang ‘request of sponsorship o please provide’ na gasgas na linya ng paghingi o masaklap ay pag-obliga.
Ang siste, bolutaryong pamimigay na lamang ang inaasahan para mas masaya kung may letchon at regalong pa-premyo. Ang noon na bahala na sina Suppliers, Batman at Superman na huwego ay kahit pabulong ay tigil na po, dahil labag sa batas.
Ang rason, ang paghingi na may pag-obliga na kaakibat ay lantarang taliwas na kasanayan na ipinatitigil ni Presidente Digong, dahil ito ay korapsyon.
Sabi nga, bundat nga kayo kalalamun at gapang sa pagkalasing kung sa pangungurap ito galing, ay ihinto na ang magarbong Christmas get-together o party kaya. Naman!
Maging masaya at makuntento sa piging na sama-sama ang naghanda mula sa diskarte sa malinis at katanggap-tanggap na pamamaraan. Yon na!
************
Libreng Noche Buena
Love Ni Bataoil sa hanay ng mamamahayag ay laging mararamdaman sa panahon na kailangan. Sa bawat kabanata at anumang panahon ay may laan na pagmamahal at pagmamalasakit. Kaagapay na tunay.
Opo, ang nasa ikatlong-termino bilang kinatawan sa Kongreso ng pangalawang distrito ng Pangasinan – Congressman LEOPOLDO N. BATAOIL ay tunay na Kasangga at maalalahanin na Kaibigan ng aming sektor – Fourth Estate.
Lingap Ni Bataoil ay inilaan sa tuwing may okasyon sa buhay ng kasapi sa pamamahayag na tulad sa yugto ng pagsubok, kabanata ng kalungkutan, oras ng pangangailangan at kahalubilo sa kasayahan. Naglalaan lagi ng panahon para karamay sa pagtahak ng mga kinahaharap na hamon ng buhay. Bukas palad sa pagpapalago pa lalo sa makatwiran na pagdadamayan. Kabaitan na likas at walang pakundangan ang taglay.
Sabi nga, love ni Bataoil ay nandyan lagi.
(You can read the various articles of veteran newspaperman
Paquito Basila at “Pahayan ng Bayan” or accessed his Face Book’s link: https://www.facebook.com/otuiqap.alisab?lst=100001653294083%3A100001420378935%3A1482641798
No comments:
Post a Comment