Wednesday, November 12, 2014

SI BINAY, AYAW SUMIPOT, SUMAGOT, MANAGOT - CAYETANO

SI BINAY, AYAW SUMIPOT, AYAW SUMAGOT, AYAW MANAGOT…
 ASC: Si Binay, ayaw sumipot, ayaw sumagot, ayaw managot. So yun ang simpleng issue dito. Bakit tumatagal ang hearing? Hindi dahil sa mga witnesses na willing mag-testify, hindi sa mga dokumento na hawak na ni Vice Mayor Mercado, kung hindi dahil ayaw sumagot ni VP Binay, ayaw niya sumipot sa hearing. Pati sa debate, umatras siya.
And then, ang pinaka-importante, pinipigilan niya na ang ebidensya ay makarating sa Senado. Halimbawa, may alegasyon na overpriced ang building, pwede ba namang ang alegasyon ay paniwalaan namin? Titingnan muna namin ang dokumento. Pero ang siyudad naman ng Makati, pinipigilan ni VP Binay na i-deliver ang mga dokumento. Pwede ba namang basta’t sabihin lang ni VP Binay na dumaan na sa COA yan – eh COA mismo ang nagsabi na may problema - pwede bang maniwala na lang kami sa kanya? Tapos sinabi ni Vice Mayor Mercado na bagmen niya si Mr. Gerry Limlingan at si Ms. Ebeng Baloloy, pwede ba namang tanggapin na lang natin na sinabi ni Vice President Binay na kaibigan niya lang si Mr. Limlingan? Samantalang sa ilang korporasyon, nandoon palagi ang pangalan ni Mr. Limlingan? So, dapat dumating din siya diyan. Ang problema, pinipigilan ni VP Binay na mag-appear siya doon.
 SI VICE PRESIDENT, SIGAW NANG SIGAW NG SUGOD, ATRAS NAMAN NG ATRAS. NANGHAHAMON SA DEBATE, HINDI NAMAN DADATING.
Ang problema kasi, iba ang sinasabi ni VP Binay sa ating Pangulo, iba ang sinasabi niya sa mga probinsya, iba ang sinasabi niya sa mga militar kapag sila ay nagbu-boodle fight, pero iba ang katotohanan. Katulad noon, sabi nila sa mga tao ngayon, walang ebidensya at pinipigilan namin silang magbigay ng ebidensya. Nakita niyo naman, trak-trak na ng ebidensya ang napresenta sa Senado. Sinasabi naman nila, pinipigilan namin silang magpresenta ng ebidensya, eh ang pinapadala naman nila sa spokesman na ebidensya, pekeng certification ng UE. So, kung sila, gusto nilang matapos ang hearing, kami din, dahil trabaho pa para sa amin ito. Hindi madali ang mag-prepare, hindi madali na pag-aralan lahat ng dokumento na ito. In fact, kung ginagawa ng lahat ng ahensya ng gobyerno ang trabaho nila - noong araw ah; remember, hindi ko pinagbibintangan ang Ombudsman o COA ngayon dahil nire-reform nila - , but noong nangyari ito, ten years ago, fifteen years ago, three years ago, ang iba dito nangyari noong panahon ni Presidente Arroyo. Kung ang COA noon ay nasita kaagad sa malaking overprice, sana wala nang trabaho ang Senado ngayon.
So unfair na sabihin sa Senado na pinapatagal ito at unfair na sinasabing pinag-iinitan si Vice President. Siya naman ang nagsabi na gusto niyang tumakbong presidente. Diba, kapag gusto mong tumakbong presidente, dapat handa ka na nasa ilalim ka ng microscope. Pero si Vice President, sigaw nang sigaw ng sugod, atras naman ng atras. Nanghahamon sa debate, hindi naman dadating.
Kasi, ang estimate namin, one or two hearings per building, kaya na ito. Ang problema, humaba dahil, katulad niyan, sinabi ni Mr. Tiu na siya daw ang may-ari, so imbes na isang hearing, naging tatlo. So hindi ko talaga mae-estimate. Kung aaraw-arawin namin ito katulad ng impeachment, baka dalawang linggo tapos ito. Pero mismong ang kampo naman ni Vice President Binay ang nagsasabing madami kaming ibang trabaho, asikasuhin namin ang trabaho. Katulad noon, simula Martes meron kaming budget hearing. Kalakaran na sa Senado, aming unwritten rule, na basta’t may budget hearing, walang ibang hearing. So for the next two weeks from Tuesday, wala kaming ibang hearing. So gusto man namin tapusin, anong gagawin namin? Ititigil namin ang budget hearing para matapos muna ito?
So kung gusto ng Vice President na matapos ito kaagad, kung siya ay nakikiusap sa Pangulo, simple lang ito. Siya ay sumipot, siya ay sumagot.
MALAKI DIN ANG MAGAGAWA NG PANGULO AT NG EXECUTIVE DEPT. PARA MAPABILIS ITO... MORE IMPORTANTLY, PARA MAPAKITA SA MGA TAO NA BAWAL ANG KORAPSYON SA ATING BANSA.
The President is a very emotional and passionate person. He really wants to make a change at gusto niya talaga ng tuwid na daan. Having said that, tao din siya. So nag-apela sa harap niya, nagmukhang kawawa ang Vice President, so siguro ginive niya ang opinion niya, what he thinks is fair. Pero kung malalaman ng Pangulo ang lahat ng ginagawa ng Vice President to delay, to sabotage, para guluhin ang hearing, as a former senator and as the architect ng tuwid na daan, I am sure na ang kalooban ng Pangulo ay walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamag-anak. Basta’t kung ano ang tama, yun ang sundin. Kung corrupt, kasuhan, kung hindi, hindi.

Sa akin, pabor sa akin ang sinabi niya na bilisan ng mga ahensya. Kasi katulad ng kay Mr. Tiu, kung ang SEC, ang PSE, ang BIR, at ang DAR ang mismong magi-imbestiga at maglalabas ng desisyon, pabor sa amin, less hearings sa amin yun. Pero noong dumating sa hearing, kita mo, marami sa kanila hindi alam ang isyu. Isipin mo, nasa dyaryo na nag-open sila ng malaking resort, hindi pala sila VAT registered… Yung mayor, sasabihin pastulan lang yun, samantalang tatlong-daang ektarya na ang na-convert into a luxury resort-park. So we can save time talaga kung ang ahensya ng gobyerno ay tutulungan tayo. Halimbawa, yung Anti Money Laundering [Council], ang iniisip talaga ng tao ngayon, imbestigasyon lang yan pero malulustay din ang pera, wala ding babalik. Gusto kong makita sa lalong madaling panahon, nandiyan ang ebidensya, i-claim ng gobyero ang para sa kanila. Halimbawa, ang kay Mr. Mercado, sinabi na niya hindi sa kanya, bakit hindi kunin ng gobyerno? Hindi na trabaho ng Senado yun, trabaho na ng mga ahensya yun. So malaki din ang magagawa ng Pangulo at ng executive department para mapabilis ito, pero more importantly, para mapakita sa mga tao na bawal ang korapsyon sa ating bansa.

INEEXPECT KO NAMAN ANG PAG-ATRAS NG ATING VICE PRESIDENT, DAHIL ANG VICE PRESIDENT NATIN, TAPANG-TAPANGAN LANG PERO SIGURISTA.
Ineexpect ko naman ang pag-atras ng ating Vice President, dahil ang Vice President natin, tapang-tapangan lang pero sigurista. Kung tingin niya, lamang siya kapag sumagot siya, sasagot. Pero kapag nakita niyang may reporter na marunong magtanong na sasabihin one or two questions, pero nag-two or -three questions, aatras yan. Pero kapag sinabing one question lang, pappayag yan. Maghahamon ng debate yan, kapag umatras ang kalaban panalo na siya, pero kapag hindi umatras… So ang Vice President palaging sigurista. Kaya tingin ko, sa 2016, kapag nakita niyang hindi na siya mananalo tapos may kaso, mang-aareglo na din yan, hindi na din yan tutuloy, aatras na din yan. Kasi sigurista nga. Pero ngayon, sinasabi niya sa lahat ng mga kakampi niya na sure win pa siya at hindi sila makakasuhan kapag nanalo [siya]. Pero makatikim yan na makita niyang wala nang suporta ang tao, areglo ang hahabulin niyan. Yun naman ang pakiusap ko sa Pangulo, na kahit gaano kalapit sa kanya, kapag nagkasala, full force of the law, walang aregluhan.
Hindi ito ang huling pag-atras ng bise presidente. Asahan niyo, marami pang aatrasan yan kasi sigurista masyado.
ANG PROBLEMA, SA LABAS NG HEARING NAGSASAGUTAN KASI AYAW MAG-ATTEND NG ISANG SIDE… HINDI IMPORTANTE SA AKIN YUNG MATAPOS. ANG IMPORTANTE… MA-SOLVE.
Actually, yung per building, kayang matapos ng one hour per building. Basta andoon ang dokumento tapos nagsasagutan. Ang problema, sa labas ng hearing nagsasagutan kasi ayaw mag-attend ng isang side. Hindi naman pwede sa publiko na isang side lang ang narinig.
Tapos itong budget hearing naman ang mag-aantala. Kung walang budget hearing at maghi-hearing kami once, twice a week, bago mag-Pasko tapos ito, eh. Pero ang delay, dahil 1.) may trabaho kaming iba na mahalaga din; 2.) dahil hindi nagpa-participate ang Vice President; at 3.) dahil pinipigilan nila ang ebidensya. Para sa akin, rerespetuhin ko din ang gusto ni Senator Koko, pero hindi importante sa akin yung matapos. Ang importante sa akin, ma-solve. Kahit sa pulis, palagi nila sinasabing case closed. Walang pakialam ang tao kung case closed o open ang case. Ang gusto nila, case solved. Kasi aanhin mo na matapos ang hearing na hindi naman sigurado kung guilty o hindi? O sasabihin nilang mukha ngang guilty pero ang side ng isa hindi narinig? So, kailangan nating i-exhaust ang lahat. Kung isa o dalawang building lang, baka sabihin, tsamba, ito lang ang dinaya, ito lang ang pinagkakitaan. Pero kung mapapakita natin, apat, limang building… Pero as I said, per building, kayang tapusin ito. Ang problema nga, hindi nila sina-submit ang dokumento.
So pwedeng tumulong ang Presidente dito, pwedeng tumulong ang mga ahensya. Bakit? Kung hindi man i-submit ng City of Makati, sana i-submit ng COA. Halimbawa, yung cake, hanggang ngayon, ang bidding nila before 2010 doon sa sinasabing cake ni Senator Nancy, hindi nila sina-submit ang mga dokumento sa Senado. So sinasabi pa din ng isang grupo na overpriced ito at may ghost delivery, sinasabi naman ng isa nakita na ang COA report. Pero ang pinakitang COA report, after 2010. Yung before that, hindi pa din sina-submit hanggang ngayon.
[No other hearings during budget hearings] That is the general rule. I doubt kung magbibigay ng exception. Kasi kung nagbigay ka ng exception sa isa, dapat magbigay ka sa iba. But that does not stop us from asking questions kung may ahensyang involved. For example, sa DAR, pwede kaming magtanong tungkol doon sa Hacienda Binay sa DAR hearing. But yung actual hearings in aid of legislation, hindi pwede during the budget hearings.
Gusto kong bigyan ng exemption ang [BRC] subcommittee, pero unfair naman kung yun lang ang bibigyan mo. So as the chairman of the Committee on Rules, I will say na either payagan lahat or walang payagan. So, ang tiingin ko, ang mananalo doon ang yung walang payagan, kasi ang budget ay napaka-importante sa ating bansa.
Ang start pa ng budget is Nov. 18 ng hapon. Hindi pa nire-refer officially ng House sa Senate. I think Monday, we will go to the formalities, and then start Tuesday na. And then, nagbigay daan din kami dahil sa necro[logical services] ng isa sa mga pinakamagaling na naging senador na si Senator Juan Flavier.
PALAGING KINI-CRITICIZE ANG HEARING NA KULANG SA PAGKO-CROSS EXAMINE NG IBANG MGA WITNESSES. EH DI MAG-ATTEND ANG MGA KAKAMPI NI VP BINAY.
Meron tayong tinatawag na preponderance of evidence, meaning, kapag binabalanse mo ang evidence, but I think we owe it to the people na kahit ang ibang mga senador ay meron nang opinyon, maging ang maraming mamamayan, we get as much evidence as we can in. Pero may hangganan din ito. And remember, yung committee report, pipirmahan ito ng mother committee members. So ang magpe-prepare man ay si Senator Koko, magbibigay man ng inputs kami, hindi pipirmahan ng majority ito kung hindi kompleto ang dokumento. Kung halimbawa, tapusin na namin sa Martes, tapos sabihin na namin na may overprice, sabihin na namin, in general, ito ang kalakaran sa Makati under the Binays, paano kung sabihin ng ibang senador na dalawang building lang ang tiningnan, paano masasabing kalakaran yun? Unlike if you show them na lima, anim na building na pare-pareho ang overprice, baka pumirma ang iba naming mga kasama. And of course, they are welcome. Palaging kini-criticize ang hearing na kulang sa pagko-cross examine ng ibang mga witnesses. Eh di mag-attend ang mga kakampi ni VP Binay.###

No comments:

Post a Comment