|
Pangasinan Rep. Gina de Venecia (Extreme Left) and husband former Speaker Joe |
Natukoy na ng mga awtoridad ng San Fabian Police Station kung sino ang pumatay kay Arsenio Halog, ang senior citizen na binaril ng mga criminals riding- in-tandem sa Barangay Bolasi, San Fabian, dalawang linggo na ang nakakaraan.
Ito ay napag-alaman kay PS1 Ferdinand Lopez ng San Fabian Police Force, na nagsabing handa na silang magsampa ng kasong criminal ngayong linggo laban sa mga suspek sa pagpatay kay Halog.
Ayon kay Lopez, ang mga suspek ay kasapi ng isang gun- for- hire syndicate sa San Fabian, at ang motibo diumano ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang volunteer na Bantay Dagat, na nagsusuplong sa awtoridad tungkol sa mga ilegal na pangingisda sa naturang bayan.
Ito ay napag-alaman ng opisina ni Congresswoman Gina de Venecia, na binabantayan ang kaso ni Ginoong Halog. Matatandaang matapos personal na dalawin ni Manay Gina si Aling Flor, ang biyuda ni Halog, ay nakipagpulong agad ito sa San Fabian police upang hilingin na tutukan ang naturang kaso. Ikinatuwa rin ng kongresista na ang nakausap niyang si PS1 Lopez, ay isa sa mga De Venecia scholars na nakapagtapos sa kolehiyo, sa tulong nilang mag-asawa.
Ang sabi ni Manay Gina, bago pinatay si Halog, ay nagpatulong pa ito sa kanya na mabigyan ng PhilHealth cards ang limampung mahihirap na mangingisda sa San Fabian. Hindi naman ito binigo ni Manay Gina, kaya gayun na lamang ang lungkot nito nang mabalitaang namatay na ang ‘samaritanong’ nagtungo sa kanyang residente sa Bonuan- Binloc para matulungan ang kasamahang mahirap na mangingisda.
SAMANTALA, ikinatuwa ng kongresista na may warrant of arrest na, at ngayo’y pinaghahanap na ng batas ang isang Richard “Luis” Ferrer ng Barangay Tocok, na pumatay kay dating Kapitan Arsenio Bucao.
Matatandaang ang pamimigay ni Manay Gina ng motorsiklo sa limang police stations sa ika-apat an distrito para puksain ang riding-in-tandem criminals, ay bunsod ng pagbaril kay Kapitan Bucao, na naganap sa gabi ng kapistahan ng San Fabian, kung saan panauhin din si Manay Gina.
No comments:
Post a Comment