Thursday, September 28, 2023

SMC, CPF Nagbigay ng 500 Kilos Poultry Meat, 100 Trays Itlog sa Capitol-P’sinan

 Personal na ipinasakamay ng San Miguel Foods Inc. ang aabot sa 500 kilos na poultry meat at 100 trays ng itlog mula naman sa Charven Pokphand Foods Philippines Corporation (CPF) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.


Tinanggap ni Provincial Administrator (PA) Melicio 'Ely" Patague II ang mga donasyon mula kay Dr Richard V. Pilleove, North Luzon Animal Health Services Manager-SMF Inc. at Mr Apisanti Surawut, General Manager, CPF.

Labis ang pasasalamat ni PA Patague sa natanggap na donasyon dahil malaking tulong ito sa mga feeding program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang turn-over ay sinaksihan ni Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) Officer Annabel Roque, Office of the Provincial Veterinarian Head Dr. Arcely Robeniol, Dr Raymond Vincent Guevarra, ilan pang kinatawan ng Governor’s Office, Dr. Orly dela Cruz, North Luzon Line Operations Manager, SMFI, Dr Romeo Visperas, Provl Operations Manager SMFI, mga farm veterinarian ng kumpaya, Dr Marlon Arce at Dr Ronald Garcia, Department Manager, North Luzon Integration Broiler Business, CPF (Terry Aquino & Kenneth dela Cruz/Pangasinan PIO)

No comments:

Post a Comment