Sulat ni Kitz Basila
INILUNSAD kamakailan ang Paraw Festival sa lunsod ng Alaminos.
Ito ang maliit na banca na may layag para kumilos na pwedeng sakyan ng dalawang piloto at dalawang pasahero. Madalas noon na gamit sa pangingisda, paglalayag sa malapit sa baybayin. Ang banca na animo sa gabi ay isang paru-paro na may sulo (ilaw na lampara).
Sa mata ng mga mas nakababata tila isang palabas na magandang tunghayan lalo na sa mga dalampasigan na pasyalan. Pagbabalik sa unang kasanayan at kakayahan noon para sa mga mas nakatatanda.
Ewan kung ito na nga ang hamon ng bagong dekada, ang bumalik sa mas payak na pamumuhay dahil labis nang masalimuot ang kapaligiran, siste ng pamumuhay, galaw ng lipunan at, pati asal na tahak dahil sa makabagong-gamit at kasanayan.
Pati nga sa pagkain at paghahanda ay simbilis na inihahain at isinasagawa na kalimitan ay labis na nalalagyan ng iba’t-ibang pampalasa, pampatagal sa pag-iimbak, isinisilid sa nakakalason na sisidlan at apurahang pagluluto. Sa mga nagawang pagbabago na indak sa panahon ay natanto na mas maraming pahirap ang dulot nito sa katawan, kalusugan at kaisipan ng tao.
Ang tanong, sa ganito nailalarawan na suliranin na nararanasan dahil sa kalabisan na katiyap ng kilos at galaw na ngayon ay nahahalina, kaya pa ba na bumalik sa payak at nalulumang pamamaraan?
Alin nga ba ang inyong gusto, motorized banca na gamit ay krudo o gasolina na ibunubuga ay usok na panira o ang layag na sa saliw ng hangin ay papatakbuhin ang inyong banca?
Sabi nga, walang polusyon sa banca na layag ang panlaban kahit pa mabagal kaysa sa de-motor na mabilis pero ang buga ay pinsala.
Teka, back to basic ang Paraw Festival, aakapin kaya? –
No comments:
Post a Comment