VICE MAYOR ROY MACANLALAY, bilang Presidente ng Vice Mayors League ng Pangasinan ano po ang masasabi niyo sa latest na kagagawan ng isang Vice Mayor sa eastern Pangasinan?
Hindi siya bagay na matawag na Vice Mayor dahil hindi niya kayang bigyan ng dignidad ang kanyang posisyon.
May isang vice mayor sa isang city dito sa Pangasinan na nagpakawala ng masasamang salita habang on-going ang kanilang session.
Ang isang presiding officer ay parang facilitator sa isang group discussion.
Ang vice mayor ay siya ring presiding officer ng isang sangguniang bayan at dapat isang facilitator para maging maayos ang takbo ng talakayan ng mga konsehal ng bayan.
Bilang isang vice mayor at presiding officer hindi ka puedeng makilahok o kaya naman ay magbigay ng isang panig sa debate na nagaganap.
Kung nais mong lumahok sa debate, dapat i-relinquish mo ang pagiging presiding officer sa isang konsehal.
Alam mo ba VICE MAYOR JOJO PAJELA ng Rosales, na si City Vice Mayor ay nagco-sponsor ng resolusyon na hindi siya nag-relinquish ng posisyon ay presiding officer?
Dahil humiling ang sponsor ng resolusyon ng nominal voting, isa isang nagbigay ng kanyang boto.
Like the budget of the national government, the law on local budget is clear: No money can be paid out of the local treasury without an appropriations ordinance or law.
Vice Mayor, may isip ang mga councilors na kasama mo diyan sa Sanggunian. Dapat malaman nila kung saan manggagaling ang pera na pambili mo ng CCTV.
Majority ay bumoto ng deferment kaya uminit ang ulo ni City Vice Mayor at kung ano-anong masasamang salita ang kanyang pinakawalan sa loob ng kagalang galang na session hall.
BIlang Vice Mayor ng isang City, dapat hindi ka nagsasabi ng ‘GAGO’ o ano pa mang masamang salita sa mga konsehal. Watch your mouth!
Ang isyu ay ang pagbili ng City ng Closed Circuit Televison (CCTV) cameras.
Ang gusto ni Vice Mayor ay i-railroad ang pag-approve ng resolution na ang city ay bibili ng CCTV.
Siyempre, ang gusto ng karamihan sa council ay mapag-aralan muna ang plus at minus ng pagkakaroon ng CCTV.
Hindi naman nila tinututulan ang panukala. Ang gusto lang ng mga konsehal ay i-defer muna ang resolusyon para mapag-aralan mabuti.
Vice Mayor, sa magkanong halaga ba at minamadali mo ang approval ng resolusyon?
Magkano na ba ang na-advance ng supplier sa iyo at atat na atat ka na ma-approve ang resolusyon?
Ito ba ang paraaan mo ng pagbawi ng mga nagastos mo noong huling halalan?
Nagmamadali si Vice Mayor na makabawi sa gastos dahil pati bahay niya ay nakasanla na daw at baka minsan magising na lang siya na wala na siyang bahay at wala na rin siyang ibinabahay.
Ang Vice Mayor na bastos at hindi dapat tawagin na honorable po ay may letrang O ang pangalan.
Matagal din siyang naging city councilor kaya lang hindi pa rin pala niya alam ang parliamentary procedures sa loob ng session hall…nakakahiya.
Dapat mayroon course on good manners and right conduct ang Vice Mayors League ng Pangasinan at ang una niyang estudyante ay see Vice Mayor.
MANONG DANNY UY, nahulaan mo na ba ang Vice Mayor na sinasabi ko? Siguro, first and last term na ni Vice Mayor.
COUNCILOR ROMY SIM ng Rosales, HAPPY CHINESE NEW YEAR sa Filipino Chinese community sa Pangasinan.
Balita ko nagpunta kayo sa Ilocos Norte para mag-celebrate ng Chinese New Year kasama ang iba pang mga Filipino Chinese ng Pangasinan sa imbitasyon ng mga officials ng Consulate ng Peoples Republic of China.
May Lion Dance ba at tikoy din doon…Kailan ba dapat ang lion dance at kailan dapat ang dragon dance?
Nabasa niyo ba ang welcome ni Gov. Imee Marcos…”Umaykayo Amin Tapno Makitayo Iti Kinapintas Ti Probinsiya Nga Ilocos Norte!?
PALPAK PA RIN NA DIGITEL. Kung dati ang bagal magpakabit ng telepono sa DIGITEL, ngayon ang bagal bagal bagal bagal naman ng internet connection niya.
Kahit isang libong beses mong i-notify ang kanilang customer service, parang wala silang pakiaalam.
MAYOR HEIDEE CHUA ng Asingan, kumusta na po kayo? May isang Heidi Mendoza na maglalakad ng hubad kapag napawalang sala si Gen. Carlos Garcia.
Dating empleyado ng gobyerno si Heidi Mendoza bilang Auditor pero dahil sa pressure, napilitan siyang mag-resign at maghanap ng private employment.
Sa totoo lang, ang expose ni Heidi Mendoza ay napapakita na may corruption hindi lang sa AFP kung hindi pati na rin sa COA mismo.
Kung ako si Pnoy, at ako ay totoo sa panawagan para sa tuwid na landas..kukunin ko uli sa gobyerno si Heidi Mendoza…palaban, makabayan para sa katotohanan.
Ilalagay ko siya bilang pinakamataas na pinuno ng COA.
Marami ang nagsasabi na si Heidi ay bayani, ang alam ko ang mga bayani ay patay na.
May mga COA personnel kaya dito sa Pangasinan na may katapatan sa bayan para ibulgar ang mga umaalingasaw na mga transaction sa isang opisina diyan sa second district?
May kahit isang COA personnel din kaya na maglalakad ng hubad para lang ituwid ang isang kamalian.
“AKO BA AY NAGING GANID o suwapang noong ako’y nasa puwesto? Humingi ba ako ng pera sa iyo kahit kailan?” …Angelo Reyes
May mga ibang government officials na nagtatanong din ba ng ganito?
Dahil sa corruption sa AFP, naging mali ba ang ginawa ng grupo ni Sen. Trillanes sa pagsasagawa ng Oakwood mutiny?
Matagal nang naniniwala ang mga Pilipino sa katiwalian sa AFP at dapat na itong mahinto kaya nila ibinoto si Tillanes bilang senator pero ipinakulong siya.
Dito sa Pangasinan, may mga elected officials ba na nagtatanong kung sila ay ganid?
PPP NI PNOY. Akala ko noong una ang PPP ay Private-Public Partnership. Nag-iba na pala ang ibig sabihin ng PPP…Patong Patong na Pahirap sa mamamayan.
ANG EDSA ONE AT EDSA DOS ay parehong pinalalabas na pinamunuan ng mga pulitiko, militar at Simbahang Katoliko.
Ang mga political player kuno na mga ito ang siya ring laman ng mga balita ngayon tungkol sa corruption, crime at responsible parenthood bill.
Ang simbahan ay nagtatambol na naman ng isa pang people power kung ipapasa daw ang Reproductive Health Bill.
Ang sabi ng mga kababaihan, Kaming mga babae ang namamatay sa panganganak hindi ang mga pare.
Hindi namn nalalagay sa peligro ang buhay ng mga pari kung kami ay nagdadalangtao, dagdag pa ng mga kababaihan.
No comments:
Post a Comment