Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
SAN FERNANDO CITY, La Union – Sampû lamang sa 44 na mga bayan sa Pangasinan ang nanalo sa SubayBAYANI 2025 noong iginawad ang kanilang kanya-kanyang parangal kamakailan dito ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
|
SUBAYBAYANI 2025 AWARDEES. (Top left photo and clockwise):
Calasiao Mayor Patrick A. Caramat, Agno Mayor John N. Celeste, Mangaldan Mayor
Bona Fe D. Parayno, and San Fabian Mayor Marlyn E.
Agbayani. |
Ang mga bayang nanalo ayon sa kanilang mga ranggo ay ang (1) Sison sa pamumuno ni Mayor Alma M. Lomibao; 2) Pozorrubio sa pangangasiwa ni Mayor Kelvin T. Chan; 3) Agno sa pamumuno ni Mayor John N. Celeste; 4) San Fabian sa pangangasiwa ni Mayor Marlyn E. Agbayani; 5) Calasiao sa pamumuno ni Mayor Patrick A. Caramat; 6) Labrador sa pangangasiwa ni Mayor Noel N. Uson; 7) Basista sa pamumuno ni Mayor Jolly R. Resuello; 8) Mangaldan sa pangangasiwa ni Mayor Bona Fe D. Parayno; 9) Manaoag sa pamumuno ni Mayor Jeremy Agerico B. Rosario; at 10) Burgos sa pangangasiwa ni Mayor Jesster Allan B. Valenzuela.
Ani ng bata at bagong upong Calasiao Mayor Caramat na “good news” ang
SubayBAYANI Award sa first class na bayan.
“We are proud to announce na nakuha po ng Calasiao ang 5th Place sa 2025 Regional SubayBAYANI Awards ng DILG. Bakit po ito mahalaga? Iginagawa po ito bilang pagkilala sa tapat at maayos na pag-monitor sa mga proyekto ng bayan. Ibig sabihin po, dahil sa transparency at accountability, ang ating LGU ay may mga proyektong salamin ng good governance at may totoo at mabuting impact sa mamamayan. Congratulations, Calasiaoeños!,” aniya noong nakaraang flag ceremony sa mga kawani ng munisipyo.
|
SUBAYBAYANI 2025 AWARDEES. (Top left photo and clockwise): Manaoag Mayor Jeremy Agerico B. Rosario, Basista
Mayor Jolly R. Resuello, Sison Mayor Alma M. Lomibao, Pozorrubio Kelvin T. Chan and Labrador Mayor Noel
N. Uson. |
SubayBAYANI ay tumatayo sa pangalang Subaybayan ang Proyektong Bayan. Ito ay isang online na aplikasyon na
nagmomonitor sa pag-unlad at pagpapatupad ng Locally-Funded-Project (LFP). Nagbibigay
ito ng real time information sa physical at financial status ng subprojects ng
isang local government; impormasyon sa aktuwal na lokasyon ng mga subproject sa
pamamagitan ng map overlay at dashboard graphical presentation; naghahatid ng
mga feedback mechanism kung saan ang stakeholders at beneficiaries ay makapaglagay
ng kanilang komento sa subprojects na ginagawa at mag “like” at “share” ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng social media gaya ng Facebook; pamamahala sa mga
logs and audit trails para masundan ang lahat na pagbabago at transaksyon sa
sistema; at pamamahala ng project-at-risks data para makita at mapatakbo ng mga
taga DILG ang subprojects at risk bago maabot ang critical state.
Ma access ang
SubayBAYANI sa DILG website: www.dilg.govph
No comments:
Post a Comment