Thursday, November 27, 2025

De Venecia Binira mga Complainant sa Plunder Cases

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

DAGUPAN CITY – Mariing itinatanggi ni dating Pangasinan 4th District Cong. Christopher “Toff” de Venecia ang akusasyon na plunder at iba pang mga kaso na isinampa sa kanya sa Ombudsman sa Metro Manila kamakailan.

FLOOD CONTROL BROUHAHAS. Former Pangasinan 4TH District Cong. Christopher “Toff” de Venecia (left). Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay, Garly Calugay, and Jaime Aquino (from top to bottom).


“I categorically reject the recent allegations regarding “ghost flood control projects” in our district. These claims are entirely false and unfounded. Every project initiated under my tenure was fully documented, properly executed, and delivered to the communities it was intended to serve,” ani De Venecia sa isang press statement na ipinadala ng public relation outfit niya sa writer na ito.

Maalaala na nagsampa ng “joint verified complaint-affidavit for plunder and other cases” si Samahan ng mga Operator at Tsuper ng Traysikel ng Pangasinan, Inc. President Jaime Aquino Et al. (and others) noong Huwebes sa Ombudsman sa Quezon City dahil sa dalawang “ghost flood control projects” sa  Sitio Dalumat, Brgy. Santo Tomas at Brgy. Santo Tomas Casibong sa San Jacinto, Pangasinan na nagkakahalaga ng P286 million na ginawa noong kongresman pa si De Venecia.

Co-accused ni De Venecia ay sina Sual Mayor Liseldo Dong Calugay, Garley Calugay, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga kontractor.

Hinawakan ng pambansang mambabatas ang isang lungsod at apat na bayang central Pangasinan noong 2016-2019, 2019-2022 at 2022-2025. Humalili sa kanya ang kanyang Ina na si Cong. Gina de Venecia para sa 2025-2028 termino.

"'Iyong ikalawa na project ay makikita sa Barangay Santo Tomas Casibong na ito ay unang ginawa ng mag-asawang kontratista na si (Sual Mayor) Liseldo Calugay at Garly ngunit nung nag-video kami doon, pinuntahan namin ‘yung lugar ay wala po kaming nakitang project," paliwanag ni Aquino sa reporter ng ABS-CBN.

'Iyong dalawa po sila na nangontrata. Ito po ‘yung picture ng project worth P50,721,000. Dalawang beses po itong ginawa ng dalawang kontratista– ‘yung Zota Trading Construction at saka kayong construction firm ni Dong Calugay,” dagdad ni Aquino.

Hindi naman pinalagpas ng dating Kongresista na banggitin ang mga notorieties na ginawa ni Aquino.

“It is also important to highlight that the complaint originates from Mr. Jaime Aquino, a figure with a well-documented history of repeatedly filing baseless and malicious claims against public officials. Mr. Aquino has been expelled for life from the National Press Club for serious violations of journalistic ethics, which calls into question both the credibility and the motivation behind his latest complaint”.

Nakitaan din ni De Venecia ang kahinaan ang mga reklamo dahil wala umanong mga katibayan sila Aquino na tumanggap ng suhol ang siyam na taong mambabatas sa maanomalyang proyektong isinampa nila.

 "Kapag nakuha na namin ‘yung mga dokumento na ayaw ibigay ni District Engineer Editha Manuel kasi lahat ng program, lahat ng program work, lahat ng mga kwan, project ay may resolusyon si Congressman De Venecia,” ani Aquino sa ABS-CBN news reporter.

Dagdag pa ng lawmaker na basta na lang inihain ang mga reklamo sa kanya at ipinaubaya na lang ng mga nagrereklamo sa “Independent Commission for Infrastructure and the Office of the Ombudsman conduct further investigation. In other words, this case was filed without any substantiating facts”

Kasalukuyang pinag-aaralan ng dating mambabatas ang paghain ng “civil and criminal recourse (sic)” sa malisyosong paratang sa kanya.

No comments:

Post a Comment