Tuesday, May 20, 2025

Dinurog ni Mayora Bona si VM Mejia

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong manalo si Vice Mayor Mark Stephen Mejia kay Jojo Surdilla ng 680 na mga boto noong 2022 eleksyon para bise alkalde, ang tingin sa kanya ng mga taga Mangaldan siya ang Pulitikong Paldo – dahil sa kanyang mayaman na ama na si Region 1 Medical Center (R1MC) Director Roland Mejia. Nakininita ng karamihan na ang mag ama ang magbibigay ng sakit ng ulo sa reelectionist na si Mayor Bona Fe D. Parayno pagdating ng May 12, 2025 derby.

VICTORY. Mayor-elect Bona Fe D. Parayno during her victory motorcade in the landlocked town of Mangaldan, Pangasinan.


Mantakin ninyo ang mukhang Totoy na vice mayoralty candidate, kayang talunin ang beteranong pulitiko at abugado ng 680 botos sa 56, 344 voters. Loaded sa pera si Mark hindi loaded si Jojo kaya natalo ang huli.

Una kong makita si Mejia sa isang fete noon Hulyo 2024 ni Pangasinan Governor Monmon Guico at First Lady Maan Guico -- Limgas na Pangasinan Chairwoman -- sa pagkapanalo ng kanyang girlfriend na si Miss World Multinational Philippines Ms. Nikki Buenafe sa Urduja House – opisyal na residente ng gobernador.

Noong ipinakilala ko ang sarili ko sa batang Veem, ani Mejia kilala niya daw ako. Dahil siguro sa blog ko, aniko sa sarili ko. Magalang siya dahil kada salubong ko sa kanya sa Kapitolyo, siya’s nagmamano kaagad sa akin. Nakita ko  na ginagawa niya rin ito sa mga nakakatanda sa kanya.

Dahil sa yaman ng pamilya, alam ng karamihan sa Mangaldan na ang susunod na target ni Mejia ay ang trono sa mag se-second term na si Mayor Bona Fe D. Parayno – isang charismatic na pulitiko na meron ng siyam na taong karanasan sa pagiging Chief Punong Tagapagpaganap ng isa sa pinakamayamang bayan sa Pangasinan.

Unang sample ng kampo at kinang ng salapi ni Mark Stephen ay noong lumipat noong isang taon sa kanya si dating bise alkalde Surdilla na kuntento na lang tumakbo sa pagiging konsehal sa ticket ni vice mayoralty candidate lawyer Johnny Cabrera na ngayon ay Veem-Elect na. Nagagalit ang mga taga kampo ni Cabrera dahil bumigay daw si Surdilla sa quid pro quo ni Mejia na mag tandem siya sa kanya kapalit ng P10 million. Totoo ba ito?

 Bakit sobrang kulelat sa No. 3 si Surdilla sa karera? Si Attorney Cabrera at kasalukuyang Konsehal ay nakakuha ng 7, 441 botos laban kay Councilor –lawyer Joseph Cera na ilang araw bago ang halalan ay ipinangangalandakan na malayo siyang panalo kay Cabrera ayon sa scientific survey ng isang tumatakbong konresista. Congrats Kuya Adji Cabrera --  arkitekto sa tagumpay ni Lil' Brother! Tama ba ako sa mga pinagsusulat ko noon sa blog ko Adjie na Makina hindi Survey ang silver bullet kung paano manalo sa eleksyon?  

Ayon sa mga taga munisipyo na kebegan ko, ikinakalat daw ng kampo ni Mejia na sa darating na Mayo 12 karera para mayor, magpapakawala daw siya ng P2,500 kada isang botante. Totoo ba ito?

 “Wow! Masyadong malaki iyan para sa isang bayan na hindi naman Dagupan o Sual ang pangalan, hahaha! (P4,000 at P23, 000 ang pakurong (vote buy),” ang aking sambit.

Aniko, kung totoo man ito mapapalaban ng todo si Mayor Bona sa loaded na kalaban.

Ilang araw bago dumating ang eleksyon, walang P2,500 na dumating. Tsismis at baka bluff lang pala iyong kumakalat na balita.

Natapos ang eleksyon, nangibabaw ang karisma, human touch, at pagiging beterano sa maraming “giyera” na pinangalingan ni Mayora Bona. Ito’y magmula sa mga laban niya kena Mayor Herminio Romero, Mayor Berex Abalos, Vice Mayor Manny Casupang, Marilyn Lambino (dalawang beses), at ngayon ang kanyang “pinaslang” na walang habas na si Mark Stephen.

Ang resulta: 32, 909 na mga boto para kay Bona! 18, 974 lang para kay VM Mejia. O 13, 935 na margin o landslide.  Ano ang nangyari sa vaunted yaman ng mga Mejia, bakit dinurog ni Bona si Mark Stephen na basta lang sa ganoong distansya na mga boto? Mali ang strategy o mahirap ibenta si Mark?

No comments:

Post a Comment