Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Ito ang excerpt
ng editorial ng Pilipino Star Ngayon:
“Pero nang matapos ang election at magsimula ang bilangan, ang trend na ibinanbando ng surveys ay nabago. Halimbawa ay si Bam Aquino na nasa ika-12 puwesto ayon sa survey, ay umakyat sa ikalawang puwesto. Si Kiko Pangilinan na nasa ika-16 na puwesto ay napunta sa ikaapat na puwesto at si Rodante Marcoleta na nasa ika-18 puwesto ay napunta sa ikaanim na puwesto”.
NEW SENATORS. Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV and Francis “Kiko”
Pangilinan.
Ito ang aking sagot at paliwanag:
Noong Mayo 2-6 poll ng Social Weather Station (SWS), si Manny Pacquiao, Willie Revillame, Benhur Abalos, at Bam Aquino ay STATISTICALLY TIED SA NO. 13 base sa 2 minus 2 margin of error nitong May 2-6 survey ng SWS. Sa mga uninitiated sa scientific poll, ang margin of error ay pwedeng tama ng 2% o mali ng 2% base sa 69 million registered voters sa Pilipinas. Ang SWS ay may respondents na 1,800 registered voters (18 years old pataas) nationwide: 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon (o sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.
Dahil sampung araw nangyari ang survey (May 2) bago ang May 12 eleksyon, maraming factor ang nangyari diyan na sumira sa ranking ng mga kandidato. Isa diyan ang epekto noong nag-usap ang kampo ni Pacquiao at Abalos kay Pinklawan Queen Leni Robredo sa isang quid pro quo (o exchanged deal) na iyong mga tagasuporta ng dalawa ay iboto si Bam at Kiko kapalit ng mga boto ng mga suporters ng dalawang Pinklawan. Isa uli diyan ang bloc voting na kautusan ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (InC) sa Quezon City na ang mahigit tatlong milyong miyembro nito ay iboboto si Bam at Kiko (Sila Aquino, Bato dela Rosa, Pia Cayetano, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Camille Villar, at Bong Revilla lang ang inendorso ng Iglesia ilang araw bago ang Mayo 12).
Sa 97.37% partial
unofficial count ng Comelec (na hango sa website ng ABS-CBN Halalan 2025)
ngayong Mayo 15, ang No. 13 sa ranking para Senado ay si Ben Tulfo na may 11,
886, 979 botos. E assume natin na iyang 11 million ang average na boto nila
Bam, Pacquiao, Revillame, at Abalos noong Mayo 2-6 survey.
Nasaan na si
Bam sa Mayo 15 na bilang ng Comelec? Si Bam Aquino ay nasa No. 2 ranking na na
may 20, 637, 824 votes. Kung ikumpara natin iyang gap na iyan doon sa 11
million sampung araw bago ang eleksyon iyan ay may pagkaiba na 9, 637, 824.
Ibig sabihin
niyan ay dumagdag diyan ang 3 million na Iglesia voters tapos pinunuan pa ng average 20
million voters ni Abalos at Pacquaio ang kulang na 6, 637, 824 ni Bam.
(Malihis lang tayo ng kaunti: Bakit si Paquiao at Abalos ay nasa 11, 354, 378 (No. 16) at 10, 208, 499 (No. 18) votes sa Mayo 15 counting? Iyan ay epekto ng umalis sa kanila ang three milyon INC voters kahit na bumoto pa sa kanila ang mga Pinklawans na dating muhing muhi sa kanila at sa mga taga Duterte. Suspetsa ko mukhang na good time ang dalawa, di sila binoto ng mga Pinklawans, hahaha!).
Punta tayo kay
Kiko. Sa Mayo 4-6 poll ng SWS siya ay nasa No. 17. Kung ibase natin ang No. 17
sa counting ngayong araw ng Comelec, ito ay may botong 10, 357, 957 (Jimmy
Bondoc). Sa Mayo 15 ng Halalan 2025, si Kiko na sweetheart ni Ate Sharon Cuneta
ay nasa No. 5 at may botong 15, 088, 642.
Kung e minus natin gaya sa ginawa ko sa kay Bam Aquino, may pagkaiba na
4,730, 685 kung ikumpara ang botos ni Kiko noong Mayo 2-6 versus sa Mayo 12
eleksyon.
Maliit ang deficit
na 4.7 million na mga botos pagpinasukan ng mga botos galing sa 20 million
voters ni Abalos at Pacquiao.
Tsaka, ang mga
Pinklawan voters (15 million), suspetsa ko, ay binoto lang si Bam at Kiko at mga kasama nila
na taga Leni lang kaya na deprieve iyang ibang mga senador diyan gaya ni Bong
Revilla na nawala sa sirkulasyon matapos ang halalan.
Si Marcoleta naman ay nasa No. 18. Si Marcoleta ay Praetorean Guard ng Iglesia dahil siya ay dyed in the wool member. Kung ang No. 18 ay 10, 208, 499 votes kontra sa 14, 911, 663 botos niya sa No. 6 sa ranking ng Comelec ngayon, may pagkaiba na 4,703, 164. Ilan uli ang Iglesia members, my dear readers? Pero ang tall order ng pamunuan ng InC sa central office sa Quezon City na ilang araw bago ang eleksyon maglabas ng naglalakihang tarpuline ang mga anointed na gobernador at alkalde sa buong Pilipinas na may mukha ni Marcoleta na katabi sila. Iyan ang isang salik na binigla ni Marcoleta ang madlang pipol na kulang sa kaalaman sa survey na inakala nila usapang sorbetes lang. Aggressive campaigning ng mga power that be ang nangyari kay Atty. Marc.
Ngayon, pwede ba nating tawaging hao shiao (fake) iyong latest survey ng SWS, Pulse Asia, at Octa Research (tatlong pollsters na hinahangaan ko dahil sa scientific method nila ng survey)?
Tingnan niyo ang SWS May 2-4 survey na binilugan ko ng pulang ballpen at ang Mayo 15 counting ng Comelec, halos iyong nasa SWS ay nasa Comelec umiba lang ang ranking pero magkalapit pa rin. May mga nalaglag gaya ni Ben Tulfo at Abby Binay (ang huli na expose ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ilang araw ang eleksyon) sa Magic 12 pero kakaunti lang. Kabuunan ng mga personalidad sa SWS May 2-6 ay nasa Comelec Magic 12 tabulation ngayon.
Pero antayin natin ang exit poll ng mga pollsters para makita natin ang photo finish ng survey sa actual Comelec counting. Sa mga jeepney drivers, embalsamador, laborer, at iba pang nagbabasa nitong blog (para mahinto na ang mga batikos niyo na peke ang mga survey), ang exit poll ay ginagawa ng mga nagpapa survey sa araw mismo ng eleksyon.
No comments:
Post a Comment