Ni Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan – Walang nagawa ang mga pinag-aralan, medalya sa mga giyera, at mga ibang parangal ni retiradong heneral Edgardo Palma (National Unity Party (NUP) sa two-term mayor dito nang iwanan siya ng 14, 222 margin na mga boto nang magkagirian sila noong Mayo 12 eleksyon sa pagiging alklade.
|
MAYORALTY RIVALS. Mayor-elect Jolly "J.R" Resuello (left) and retired Army
General Ed Palma (PMA '91). |
Ayon sa Commission on Election, si Palma ay nakakakuha lamang ng 4, 241 mga boto habang si reelectionist Mayor Jolly “JR” Resuello (Nationalist People’s Coalition (NPC)) ay merong 18, 463 na mga boto.
Ito ang pinakamalaking mga boto na nakuha ni
Resuello laban sa isang katungali habang siya'y nakaumang maglingkod sa Hunyo 30
sa huling tatlong taon niya sa three terms niyang ibinigay ng batas.
Noong maglaban
sila ni noon incumbent mayor Manolito de Leon (8, 391 votes) at ni Joy Perez
(400 votes) para sa 2019 mayoralty election iniwanan niya si De Leon ng 1,007
mga boto. Nakakuha naman ng 9, 398 mga boto si Resuello.
Noong nakipagsalpukan si dating Councilor Boy Tagum
kay Resuello noong Mayo 2022 eleksyon, nakakuha ang una ng 6, 021 mga boto
habang ang huli ay merong 15, 322 botos o margin ng 9, 301 mga boto.
Si retired Army General
Palma ay isang miyembro ng Class of 1991 ng Philippines Military Academy at
dating pinuno ng Office of the Strategic Studies and Strategy Management sa
Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Si Resuello ay nakakabatang kapatid ni San Carlos
City Mayor Julier” Ayoy” at Vice Mayor Joseres ”Bogs” Resuello.
Sa laban ni Resuello at Palma, kahit isang kandidato
sa limang kandidato ng huli sa walong regular na miyembro ng Sangguniang Bayan
ay wala man lang nakapasok.
Pasok naman ang bise alkalde na si newly minted Vice
Mayor Jake Perez at limang ka partido ni Resuello sa lehislatura kung saan ang
tatlo na nanalo sa walong miyembro ay galing sa mga independyente. Mapapadali ang pagpasa ng mga batas ni Mayor
dahil ang equation sa Sanggunian ay pabor sa kanya.
Ang 13 barangays na bayan na ito ay dating
pinakamalaking barangay ng San Carlos pero noong Mayo 8, 1967 sa pamamagitan ng
Republic Act No. 4866 siya ay lubos na naging bayan.
Si J.R at ang kanyang ticket sa Nationalist People’s
Coalition ay manok ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O.
Cojuangco.
No comments:
Post a Comment