Ni Mortz C. Ortigoza
DAGUPAN CITY –
Malaking bagay kontra sa mga masasamang loob ang anim na bagong patrol cars na ibinigay
ng gobyerno kamakailan lang na pinangunahan ni Police Major Gen. Romeo “Bong”
Caramat, Jr..
Ang anim na sasakyan ay pinamahagi ng pinuno ng Area Police Command (APC) - Northern Luzon Major Gen. Caramat, 55, sa siyudad ng San Carlos City at mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Mapandan, Malasiqui, at Bayambang.
“Ito ay magpapalakas pa sa kapayapaan at
kaayusan sa ating bayan. Maraming salamat, General Bong Caramat, from the
bottom of our hearts,"
saad ni Mapandan Mayor Karl Christian F. Vega sa kanyang Facebook Page.
“Ingatan at
alagaan po natin ang ating mga bagong sasakyan para matagal nating magamit ang
mga ito para sa ating mga kababayan,” ani Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan sa miyembro ng kapulisan sa
kanyang bayan.
"Ako'y naging instrumento lamang ng Camp
Crame (headquarter ng Philippine National Police) upang magkaroon kayo ng
bagong patrol car, bilang tulong at pasasalamat sa ating mga kapulisan," ani ng Heneral noong ibinigay ang bagong
sasakyan sa Mapandan.
Ang Heneral ay
ipinanganak sa Barangay Golden, Mapandan pero nagkabahay na sa Calasiao noong
naging kabiyak niya si Maya Agustin-Caramat na naging alkade ng Calasiao. Si
Caramat ay nag-aral ng high school sa isang private school sa Mangaldan,
nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1992 at naitinalaga sa iba’t
ibang bayan at siyudad sa Pilipinas kung saan siya nakipaglaban sa mga rebelde
at mga masasamang loob ng lipunan.
Ang mga naging major
na designasyon ng dugong Pangasinense ay pagiging intelligence officer ng
Police Provincial Office sa Pangasinan, hepe ng Dagupan City Police, director
ng Bulacan Provincial Police Office, Hepe ng Police Drug Enforcement
Group (PDEG) na nakabase sa Camp Crame, Director ng Police Regional
Office sa Caraga Region (PRO-13) na may
hurisdiksyon sa mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur,
Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur, Deputy Chief ng
Director for Intelligence ng buong pambansang kapulisan na nakabatay sa Camp Crame,
hepe ng Criminal Investigation Detection Group, at ang kanyang kasalukuyang
posisyon na hepe ng APC-Northern Luzon.
Siya ay magreretiro ngayong Oktobre Dos.
Ama siya ni Calasiao
Liga President at ex officio member ng Sangguniang Bayan Patrick Caramat, 26, -
isang visionary na renaissance man - na inendorso ng lahat ng mga political
heavy weights sa mayamang bayan sa pagiging alkalde sa Mayo 12, 2025 eleksyon.
No comments:
Post a Comment