Thursday, December 11, 2025

Fake News ang Isyu sa P1-M - Mayor Pete

Ni Mortz C. Ortigoza 

BINMALEY, Pangasinan - Puro kasinungalingan ang pinapakalat ng ibang media outlets na diumano’y ibinalik ng pamunuan dito ang ₱1-milyong donasyon ng Makati City dahil sa pulitika.

BINMALEY Mayor Pete Merrera (3rd from left) exchanges notes with his constituents who seek help at his office. (Northern Watch Newspaper)


Ayon sa Facebook Page ng bayan na ito, ang tulong ay para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay at Falcon noong 2023 pero ang tseke mula sa Makati ay dumating Pebrero 2024, halos anim na buwan matapos ang sakuna.

 “May mahigpit na requirement ang Makati: kumpletong listahan ng lahat ng biktima. Ito ay kailangan para pumasa sa Commission on Audito (COA). Pero hindi na kumpleto ang listahan dahil may mga lumipat, may walang papeles at iba pa. Ito ay improperly documented,” ani ng Facebook Page.

Noong 2023 pa lang ay nabigyan na ng local government unit (LGU) at national government ng tulong ang mga apektadong pamilya at ito ay documented sa official Facebook Page ng munisipyo.

Nahuling dumating ang donation at nag-iba na ang datos nang maibababa ang guidelines para sa tulong mula sa Makati Government.

“Ano ang gagawin ko magbebentot bentot ako ng mge recipient e matagal ng nabigyan ng pinansyal na tulong ang mga constituents ko dito ng munisipyo at national government? E di nakasuhan naman ako,” ani Mayor Pete Merrera sa Northern Watch Newspaper.

Pinayuhan ng COA ang mga finance, budget officers dito na ibalik ang pera na natanggap ng LGU.

Ito ang tamang proseso ng gobyerno kapag hindi na kayang kumpletuhin ang requirements. Ito rin ay sinangayunan din ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang pangunahing department na may hawak sa relief response ng bayan”.

Dagdag pa ng LGU na may mga ibang bayan din na nagbalik ng pera sa Makati City dahil ayaw nilang makasuhan ang mga opisyales nila pag nagkataon.

Walang “away” o “bias.” Walang tinanggihan si Mayor Merrera. Ang pinairal ay batas, tamang proseso, at COA rules”.

Sinimulan ang pagpapatupad ng LGU dito ng mas maayos at mabilis na data-gathering system tuwing may kalamidad para siguradong magagamit ang anumang tulong na darating, anumang oras o panahon.

"At para mas efficient ang declaration ng State of Calamity, at on-time ang relief distribution walang tinanggihang tulong. Walang pulitika. Walang naagrabyadong Binmalenian. Meron lamang pagsunod sa batas at tamang paggamit ng pondo ng bayan”.

No comments:

Post a Comment