By Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan – Ang local na pamahalaan dito ay masaya na ipinamalita na muling nasungkit nito ang prestihiyosong Seal of Child-Friendly Local Government (SCFLG).
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang SCFLG “is a prestigious recognition from the Philippine government (DILG, CWC) given to cities and municipalities that excel in implementing programs for children's welfare, assessed annually through the Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA), focusing on survival, development, protection, participation, and governance, with passing LGUs becoming eligible for the SGLG and Presidential Awards”.
“Ang parangal na binibahagi ng DILG sa mga LGU na kung saan patuloy po ang ating mga programa at serbisyo na para sa ating mga kabataan. Asahan nyo po na patuloy po naming ipagpapatuloy ang mga programa na angkop at nararapat para sa ikakagaganda at ikabubuti ng ating mga kabataan sa bayan ng Basista,” ani Mayor Jolly “J.R” Resuello.
Pinasalamatan din ng alkalde sina Vice Mayor Jake Perez at Municipal Local Government Operations Officer Vanessa Llego upang tanggapin ang parangal na ito para sa bayan.
“Lubos din po tayong nagpapasalamat sa ating MSWDO Office (Municipal Social Welfare and Development Office) sa pamumuno ni Alicia Aquino sa patuloy pong pagtutok at pag aasikaso upang makamit po natin ang tagumpay na ito para sa ating mahal na bayan ng Basita,” aniya.
No comments:
Post a Comment