Wednesday, December 3, 2025

Bonggang Nakakaakit na Xmas Display sa mga LGU

 Ni Mortz C. Ortigoza

MALAYO na ang mga nararating ng mga munispiyo sa pagpapaganda ng mga kapaligiran at ibang lugar nila pag dating sa mga mabonggang dekorasyon para idaos ang Pasko.

SCINTILLATING. (Left photo) A giant alluring Christmas tree stands at the public plaza of Calasiao in Pangasinan. (Top right photo to bottom): Artificial snowflakes beside the vaunted Christmas tree in Bugallon, Pangasinan; Calasiao Mayor Patrick A. Caramat, and Bugallon Mayor William K. Dy. 

Ang mga nakakaakit at pamosong mga Christmas lightings na aking natatandaan ay noong pinaganda ni Bayambang former mayor Cezar T. Quiambao at ang kabiyak ang present alkalde na si Nina Jose-Quiambao at Calasiao's 160th and first lady mayor Mamilyn “Maya” Agustin - Caramat ang kanilang mga maunlad na bayan.

 Kena Quiambao noong 2019 ay mayroong Little Mermaid inspired Frozen sa Paskuhan sa Bayambang kung saan nakita sila Mickey Mouse at si Belle sa kanilang breathtaking na palasyo. Andoon din sina Elsa, King of the Jungle, at Aladdin at ang kanyang magic carpet.

“Ani ng press kit na binigay sa amin: “Every child and child-at-heart is sure to enjoy the grand display, along with its surroundings which features a toy-story-themed playground, a train station designed with the influence of Frozen, and a foundation area inspired by the Little Mermaid”.

Noong 2024, isa ang landlocked na bayan sa my pinaka magandang Christmas design sa buong Pangasinan dahil sa tema nitong Star Wars na nagustuhan ng mga turista at mga bisita lalo na ang mga bata.

Pinasaya naman ni Mayora Maya Caramat noong 2022 Christmas celebration ang mga taga burgeouning first class town Calasiao at mga taga ibang bayan at mga lungsod ng masilayan nila ang kanyang Miracle Garden Christmas Village.

Napamangha ang karamihan sa loob at sa labas ng bayan noong mag official opening at lighting ceremony ang Lady Mayor sa plaza at sa Marusay Bridge.

ALLURING. (Top photo and clockwise) Disneyland themed Christmas display in 2019 at Bayambang, Pangasinan; Christmas lightings in Bugallon, Pangasinan last October 31, 2025; a giant colorful year 2025 marker at the foreground of the façade of the Municipal Hall of Calasiao, Pangasinan; and, the vaunted Miracle Garden Christmas Village in 2022 by Calasiao Mayor Mamilyn “Maya” A. Caramat (+).

BUGALLON

Noong Oktubre 31 si Bugallon Mayor William K. Dy ay nangunang nagbukas ng mahabang Christmas celebration cum lighting kung saan kinahumalingan ng kanyang mga constituents ang mga artificial snowflake na nagsisiliparan at dumadapo sa kanilang mga pisngi, braso, at mga kamay.

"Masaya po tayo dahil noong tini-testing pa lamang itong ating Christmas Village Lightings ay marami na ang pumapasyal dito sa ating munisipyo. Ang mga liwanag na ito ang nagbibigay sa atin ng panibagong pag-asa para sa minimithi nating maganda at maginhawang buhay sa mga darating pang panahon," ani ng bagong halal na alkalde.

Ang newly minted first class town ay pinakauna sa buong Pangasinan na nagpailaw ng Christmas tree, mga reindeer with sledge, at iba sa mga bayan sa buong lalawigan.

CALASIAO

Noong Nobyembre 29 si Calasiao Mayor Patrick A. Caramat – anak ng yumaong Mayora Maya -- ay nanguna sa official opening ng Ilaw ng Pagkakaisa at Ilaw ng Pag-asa

Sinalubong ang mga di mabilang na mga spectators ng isang higanteng nagniningning na dilaw at may ibang kulay na Christmas tree na merong koronang silver at blue na bituin kung saan sa ilalim ng Christmas tree ay may mock-up na human models na Three Kings na may dalang mga regalo sa bagong panganak na si Hesukristo at ng inang si Virgin Mary sa loob ng sabsaban o manger.

Makikita rin doon sa public plaza ang mga mock-up na pailaw na mga anghel, ng dalawang kamay na sumasagisag sa puso, choirs, mga mananayaw, at iba pang di mabilang na mga scintillating na tanawin.

 “Tayo po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo, kasama ang ating Vice Governor Mark Lambino, sa makabuluhang kaganapang ito. Seeing Calasiaoeños smile and gather is the best gift we can ask for. Maligayang Pasko, mahal kong bayan ng Calasiao!” aniya sa kanyang Facebook Page.

 

No comments:

Post a Comment