Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan - Nakipag ugnayan kamakailan si Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno at tatlong miyembro ng Mayors for Good Governance (M4GG) – Pangasinan Chapter sa Secretariat ng organisasyon noong bumisita ang huli sa lalawigan.
|
GOOD GOVERNANCE. Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (2nd from
left seated) and the three mayors of Pangasinan who meet with the Secretariat
of the Mayors for Good Governance (M4GG) when the latter visited the mammoth
province. (M4GG’s Photo) |
Kasama ng alkalde ng first class town na ito sina Alaminos City Mayor Bryan Celeste, Rosales Mayor William Cezar at Aguilar Mayor Kristal Soriano. Ang apat na mga alkalde ay kasalukuyang nasa observer status sa M4GG.
Sumentro ang
pakipagpulong ng mga mayors at ng Secretariat sa mga adbokasiya at inisyatibo
ng M4GG. Ipinaalala din sa mga Pangasinan mayors ng huli ang mga
responsibilidad nila sa pagiging isang bahagi ng organisasyon at ang pagsusulong ng
mabuting pamamahala sa kanilang mga komunidad.
“Ibinahagi natin sa mga alkalde ang ating anti-corruption
efforts tulad ng Report INFRA at ang multisectoral, citizen-led investigation
sa mga anomalous infrastructure projects. Gayundin, iprinisinta natin ang mga
plano ng M4GG upang hasain pa ang leadership skills at i-empower ang mga
alkalde bilang good governance advocates,” ani ng Secretariat sa
Facebook Page ng M4GG.
Ang mga ibang miyembro
ng grupo sa dambuhalang lalawigan ay sina Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming”
Rosario (Presidente ng League of Municipalities in the Philippines – Pangasinan
Chapter), Dasol Mayor Rizalde Bernal, Anda Mayor Joganie Rarang,
Mangatarem Mayor Jensen Viray, at San Quintin Mayor Farah Lee Lumahan.
Sa 1,642 na lungsod at bayan sa Pilipinas, 179
lang ang kasapi ng M4GG magmula ng itatag ito noong Agosto 24, 2023. Ang mga
convenors nito ay sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Baguio City Benjamin
Magalong, Isabela City, Basilan, Sitti Djalia Hataman, at Quezon City Joy
Belmonte.
“Nagpapasalamat tayo sa Pangasinan mayors sa kanilang
pakikiisa sa ating krusada. Tuluy-tuloy ang ating pag-iikot sa buong bansa
upang makadaupang-palad ang iba pang mga alkalde na nagsusulong ng mabuting
pamamahala,” ani ng Secretariat.
No comments:
Post a Comment