Sunday, October 12, 2025

Mangaldan Mayor Kasapi na ng Anti-Corruption’s M4GG

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan - Inanunsyo kamakailan ng alkalde dito na kasapi na siya sa 74 na mga mayor sa ibat ibang parte ng Pilipinas na bagong miyembro ng Mayors for Good Governance (M4GG).

ANTI-CORRUPTION. Some of the members of the anti-corruption movement’s Mayors for Good Governance (M4GG) in the Philippines. From left photo and clockwise: Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Naga City Mayor Leni Robredo, and Pasig City Mayor Vico Sotto. Out of 1,642 city and town mayors in the Philippines, there are only 179 mayors who joined the prestigious M4GG.

Noong unang isinulong noong Agosto 24 ang prestihiyosong organisasyon ay meron lang itong 100 na miyembro.

Ani website ng M4GG, ito ay isang organisasyon "committed to fighting corruption and building resilient, future-ready communities through empowered local governments that put people's welfare above politics and power."

“Nag fill up ako ng form at ipinasa ko at natanggap ako (sa M4GG),” sagot sa writer na ito ni Mayor Bona Fe D. Parayno noong tinanong siya kung paano siya nakapasok sa anti-corruption na pangkat.

 Meron ng 174 kasapi ang grupo magmula ng itatag ito noong Agosto 24, 2023. Ang mga convenors nito ay sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Baguio City Benjamin Magalong, Isabela City, Basilan, Sitti Djalia Hataman, at Quezon City Joy Belmonte.

 Inanunsyo ng pamunuan ng M4GG ang bagong 74 miyembro noong Oktubre 7.

“Nagagalak kaming makatrabaho kayo sa patuloy nating pagsusulong ng good governance, paglaban sa korapsyon, at pagtaguyod ng integridad sa panahong ito na hinahanap ng mga Pilipino ang isang pamamahalang tapat at tunay na nagmamalasakit para sa kanila,” ani ng M4GG sa kanyang Facebook Page.

Ang mga bagong kasapi ng M4GG ay kasalukuyang nasa observer status at magiging tunay na miyembro sa oras na makumpleto nila ang minimum participation requirements.  

Bukod kay Parayno, ang mga miyembro ng M4GG sa dambuhalng lalawigan ng Pangasinan ay sina Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario (Presidente ng League of Municipalities in the Philippines – Pangasinan Chapter), Dasol Mayor Rizalde Bernal, Anda Mayor Joganie Rarang, Mangatarem Mayor Jensen Viray, San Quintin Mayor Farah Lee Lumahan, Aguilar Mayor Kristal Soriano, Rosales Mayor Liam Cezar, at Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste.

No comments:

Post a Comment