Sunday, October 12, 2025

Bawal na Magdala ng Armas sa Prov. Gov’t Buildings

 MAY MULTA NA RIN

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan -  May multa na ang mahulihan na nagdadala ng sandata sa mga gusali at mga ospital napag-aari ng provincial government dito at sa ibang parte ng Pangasinan.

A body scanner machine used in security checking. (Photo grabs from the internet)

Sa naipasang ordinansa na laman ng Municipal Resolution No. 12-225, nakasaad dito na “An Ordinance Prohibiting the Carrying of Firearms and Other Deadly Weapons Into All Provincial Government Buildings and Hospitals, and Prescribing Penalties Thereof.

Ito ay akda ni Sanggunian Panlalawigan Member lawyer Haidee S. Pacheco.

“Ordinansa na po iyan actually,” ani Vice Governor Mark Ronald Lambino sa writer na ito.

Aniya sa Section 9 ng Ordinansa ay inatasan ang pamunuan ng General Services Office (GSO) na kumuha ng mga inputs sa mga opisyales ng government hospitals at facilities.

“Kung ano po ang level ng security and frisking ano ang mga equipment na kailangan idadagdag. But definitely we need to increase security of course. Response to some requests and incidents that happened to other LGUs. Ayaw po nating maulit iyong especially what happened here in the province in the hospital natin. So we want to increase the security and makes sure we listen hindi lang po iyong mga opisyal (pati ang) mga bisita mga kababayan na napupunta na kailangan ang serbisyo ng provincial government,” paliwanag ni Lambino.

Ang mga nakuhang mahalagang inputs ng GSO ay magiging parte ng Implementing Rules and Regulations (IRRI).

Ani Vice Governor isa ang scanner sa tinitingnan ng pangasiwaan ni Governor Ramon V. Guico III.

Isang target po nila ay scanner machines at the least one sa ibang facilities. Magkakaroon po ng scanning machine parang nakikita ko sa ngayon parang ganoon po. Iyon po ang tinitingnan na proposal,” aniya.

No comments:

Post a Comment