Sunday, September 28, 2025

Lambino Pinuri ang “Clearance First’ ni Marcos

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Nagpasalamat ang bise gobernador ng Pangasinan sa Presidente ng Pilipinas sa pahayag niya na kailangan muna ng clearance galing sa  mga opisyal ng local government unit ang isang pambansang proyekto bago ito maging kumpleto.

PANGASINAN Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino (left) and President Ferdinand R. Marcos, Jr.


“We are gratefull to the President on that na ibabalik ang kapangyarihan sa local government unit,” ani Vice Governor Mark Ronald Lambino noong makapanayam siya ng mga reporters sa kanyang tanggapan.

Ani President Ferdinand Marcos, Jr.  ang pangangailangan ng safeguard para maiwasan ang mga anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan ay tinanggal noong panahon ng kanyang hinalinhan na si dating president Rodrigo Duterte.

“Alala ko nung governor ako, walang pwedeng sabihin completed kung hindi accepted ng local government. Babalik natin ‘yun. Tinanggal nila in the last administration,” paliwanag ni Marcos sa isang press conference.

Ani Lambino tama lang na merong clearance bago matawag na kumpleto ang proyekto dahil ang mga nasa local government units gaya ng governor, mayor, at mga barangay chairman ay mga nasa ground.

“Tayo naman na nasa LGU ay nasa ground. Alam po natin ang mga pangangailangan ng mga kababayan at kailangan lang po talaga iyong proper na coordination mula sa local government unit at iakyat natin sa national government agencies including mga ating opisyal sa Kongreso mga kongresmen at senador,” paliwanag niya.

Ani President Marcos ang mga taga LGU talaga ang makapagsabi kung tama o mali ang proyekto.
“Kasi pagka nasa LGU ka, hindi mo naman pinagkikitaan ‘yung project. Kaya ang maliwanag, titingnan nito talaga na tama na ‘yung kalsada, eight inches talaga ‘yung konkreto,”
aniya.


No comments:

Post a Comment