Sunday, September 28, 2025

Buaya sa DPWH Nangotong sa May Ari ng Lupa

Ni Mortz C. Ortigoza

Walang patawad itong mataas na opisyal ng Pangasinan 4th Engineering District Office ng Department of Public Works & Highway (DPWH) na nakabase sa Rosales, Pangasinan.


Ayon sa source ko na ayaw magpakilala, natamaan ng expropriation ang lupa nila sa 7.17 kilometro na Urdaneta City Bypass Road sa Urdaneta City.

Alam niyo mga readers, pagbalakid ang ari-arian ng isang tao o pamilya sa proyekto ng gobyerno gaya ng tulay at kalsada ito ay binibili ng DPWH sa presyo na dikta ng gobyerno. Parte ito ng Eminent Domain ng gobyerno base sa Constitution dahil sa General Welfare’s clause. Ito ay nangayari bago gawin at pagbukas ang Bypass Road noong Enero 2021.


Ang DPWH opisyal ay humingi ng P10,000 sa P500, 000 na partial na bayad sa P1,000,000 na expropriation payment.

“Wala paring kadaladala ang mga taga DPWH. Sa 3rd Engineering District ng Pangasinan may small portion ng lupa ang mga in laws ko tinamaan ng road widening payout ay P1 million tapos binayaran pa lang sila 50%,” aniya.


Ang mahabang Urdaneta City Bypass Road ay tumatawid sa walong barangays ng lungsod. Ito ay Nancayasan, Sto. Domingo, Sta. Lucia, Nancamaliran East, Mabanogbog, San Vicente, Camantiles, at Anonas.

Alternatibong kalsada ito sa Manila North Road, Urdaneta-Dagupan Road, Urdaneta-Manaoag Road, at ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Ang DPWH sa Rosales, Pangasinan ay nasa ilalim ni District Engineer Maria Venus S. Torio, DPA. 

Ganito ka buaya ang mga opisyales ng taga Departamento ng mga Puro mga Walang Hiya (DPWH). Hindi na nakuntento sa pagnanakaw sa mga imprastruktura ng bayan pati maliliit na tao kinakatalo pa. Sana mabisitahan din ang mga matataas na opisyal ng DPWH at ma lifestyle checks ni no-nonsense Secretary Vince Dizon at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Dapat maimbestigahan ang mga dorobong ito sa kanilang lavish lifestyle, ostentatious display of wealth like expensive dress, necklaces, bags, luxury cars, resorts, at iba pa at makasuhan ng nonbailable cases na Malversation na P8.3 million above na tsubibo at Plunder kung saan ang nakaw na P50 million above ay may parusang Reclusion Perpetua para di na sila mapamaresan.

 

 

No comments:

Post a Comment