KAPWA MAMBABATAS NA NAGMATIGAS MAKAKASUHAN
Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
URDANETA CITY – Matapos ang halos tatlong buwang pagkaantala ng mga konsehales dito kung sino sa kanila ang hahalili sa sinuspendidong alkalde at bise alkalde, tinanggap na rin ng dalawang mambabatas noong Marso 28 ang Designation Order sa kanila ng Department of Interior and Local Government (DILG).
ACTING MAYOR. Urdaneta City Acting Mayor Rio Esteves (left) and Acting Vice Mayor Doc Bles Sumera. |
Matapos pirmahan noong Marso 26 ang Order ni
DILG Secretary Jonvic Remulla, si Rio Esteves at Doc Bles Sumera ay pormal na
ring pumirma ng kanilang Acceptance Letter sa opisina ng alkalde dito noong
Marso 31 na sinaksihan nila City Councilors Amado O. Veridiano, Onofre C.
Gorospe, Aurelion L. Agsalud, Sr., Warren Andrada, at City Local Government
Operation Officer Richard S. Real.
Pagkatapos ay inihayag na rin sa
araw na iyon kung saan merong flag ceremony ng dalawa sa mga kawani ng pamahalaang panlungsod ang pagtanggap nila
ng Letter.
Sa sipi ng liham ni Region 1 DILG
Director Jonathan Paul L. Leusen, Jr. kay Remulla, sinabi niya: “Further, with the official assumption of
local officials as Acting Mayor and Vice Mayor, may we earnestly request guidance
on what will be the next action for the PNP Personnel manning the old and new
city hall of Urdaneta City, Pangasinan.”
Si Esteves at Sumero ay numero
otso at numero siyam sa labingdalawang mambabatas dito. Nahaharap ang mga kasamahan
nila sa kasong Dereliction of Duty sa
hindi pagtanggap ng utos ng DILG noong Enero pa na palitan nila pansamantala si Mayor Julio F.
Parayno III at ang pinsan niyang si Vice Mayor Jimmy Parayno.
Ang labingdalawang konsehales ay
kaalyado ng mga Parayno.
Si Mayor Parayano at Vice Mayor Parayno ay nakasuhan ng kasong
Grave Abuse of Authority at Grave Misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary
Lucas Bersamin noong Enero 3, 2025. Sinuspende sila ng Office of the
Philippines President ng isang taon magmula noong Enero 7 noong isinilbi ng
DILG sa tanggapan ng dalawang Parayno.
Kahit na binarikadahan na ng mga
kapulisan ang tanggapan ng dalawa noong Pebrero 4 ay patuloy pa rin silang nagsisilbi ng tungkulin nila. Ang pagmamatigas ng dalawa na bumaba ay magiging
dahilan na sila ay makakasuhan ng Usurpation of Authority or Official Functions
(Article 177 Revised Penal Code) at Falsification of Public Documents (Article
171).
Binalaan ni Atty. Romeo P.
Benitez, Undersecretary for External, Legal and Legislative Affair, si Councilors
Francis del Prado at Warren Andrada ang numero uno at numero dos na may pinakamaraming boto na nanalo sa Mayo
2022 eleksyon noong mga nakaraang buwan na ang kabiguan nilang sundin ang utos
ng batas na umupo sila sa nasabing pwesto ay maging “ground for criminal and/or
administrative sanction”.
Ang kasong administratibo ng
dalawang magpinsang Parayno ay hango sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael
Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno”
kung saan ni indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay
(LNB) President at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa June 14, 2022 na
Manifesto ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na
LNB President.
No comments:
Post a Comment