Monday, March 31, 2025

Pogi Sinungaling, Banat ni Monmon

NI MORTZ C. ORTIGOZA

Walang pagaalinlangang inilantad ng kasalukuyang nakaupong gobernador ng Pangasinan ang mga kasinungalingan ni dating gobernador Pogi Espino gaya ng walang pasubaling pag-ako  niya na sa kanya ang Point of Care noong panahon niya.

LIAR! Pangasinan Governor Ramon “Monmon” V. Guico III exposes the lies of his predecessor and gubernatorial rival’s former governor Amado “Pogi” Espino III. 

Ang Point of Care o Point of Service ayon sa Philippines Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay “program (that) provides immediate PhilHealth coverage to unregistered or inactive members, especially those who are financially incapable, seeking medical care in government facilities, ensuring universal health access”. 

Napanoond ko sa isang speech niya noong panahon daw niya merong Point of Care ang mga hospitals ----- oy, mag isip ka!” banat ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa kanyang hinalinhan.

Sa isang pagpupulong kamakailan, binanatan ni Espino ang pagpapatakbo ng Guico Administration ng provincial hospital.

“Sabali met na mangyayari ti probinsiya siguro kadayo ada ti ospital idjay Bayambang o edi Urdaneta District Hospital edi Point of Care punyan tayo libre kayo no umunos kayo idyay nga ma insured kayo nga dagos,” aniya sa Ilokano

Ani Guico ang Point of Care ay programa ng pamahalaang pambansa. 

Ang Point of Care is not a program of the province and of the provincial hospitals. Point of Care is the program of PhilHealth! All administrations merong Point of Care or Point of Service as they call it. So don’t claim that it’s yours,” patutsada niya kay Pogi.

Paliwanag niya na hindi tinanggal  ang programang pangmahirap sa gobyernong panlalawigan bagkus pinalawak pa niya ito.

“Dinagdagan ko, ni enhance ko at make sure that may doctor tayo at may mga gamot tayo”.

Inupakan pa ni Guico ang dating pamahalaang  Espino – kasali na diyan ang sa amang kapangalan niya na nagsilbing gobernador ng siyam na taon – kung may nabili silang mga MRI (magnetic resonance imagery), CT  scan (computed tomography), x-ray machines, ultrasound, at iba pa.

Noong time nila may nabili ba silang MRI? Noong time nila ilan ang nabili nilang CT scan? May nabalitaan ako walang ganoon gawang CT scan. Papugakpugak iyang CT scan sa LDH (Lingayen District Hospital). Bumili tayo ng pito. Noong time ko as governor bumili tayo ng 19 brand new x-ray machines and 21 brand new ultra sound, we hired psychologist, we hired radiologists, and then medical specialists to cater to the needs of our patients and to work to the equipment that we purchased”.

Hindi umayon si Guico sa sinabi ni Espino na mas maganda ang pamamalakad ng huli sa pamahalaang panlalawigan:

No! I don’t accept that!

Hindi napatapos ni Espino ang siyam na taong panunungkulan basi sa saad ng batas dahil tinalo siya ni Guico noong Mayo 9, 2022 election ng may mahigit na 187, 807 botos.

Merong 1,592, 189 botante ang bumoto noon kaya doon pinaghatian nila Guico (885,272 votes), Espino (697,465 votes), Rolly Jimenez (6,209 votes) at Caloy Padilla (3,243 votes) ang mga boto.

Samantala, inupakan si Pogi ng Facebook Page na True Lovers of Pangasinan noong sabihin niya na kinukupitan ni Guico ang P1,700 – P2, 100 na PhilHealth Konsulta Program ng pambansang pamahalaan.

“Psst, Pogi, narinig ko iyong speech mo sa Urbiztondo. Ipinakita mo na naman ang katangahan mo.

Sabi mo, "No agak bimmatik, wala tan ya Konsulta ya P200, P300 yo? Walay kuwarta yo natan. Asibletan kayo, asaol kayo. Dapat P1,700, o P2,100 itan. Naulew kayo, pirma pirma kini. Anggapoy danum, anggapoy meryenda,”ani True Lovers.

Ani Facebook Page na tanga daw si Espino dahil alam naman niya na iyong P300 na ibinibigay ay aprubado ng Sangguniang Panlalawigan (provincial lawmakers).

“Pero kahit ganyan ka katanga, alam ko namang alam mo na iyong P300 ay ibinibigay ng probinsya bilang incentive sa mga magpapakonsulta. Maong labat sa pangalaan day isaliw da na meryenda o pamasahe da. Aya may government unified incentive. Guiconsulta. Aprobado na provincial board,” ani True Lovers.

Paliwanag ni True Lovers ang P1,700 o P2,100 ay bigay ng Philhealth sa kanila bilang mga pasyente dahil  bayad iyon sa accredited facility kung saan nagpakonsulta ang isang mamamayan na nagparehistro sa Philhealth Konsulta Program at naging miyembro na rin ng Philhealth.

Ang nangunang Guiconsulta ay hinahangaan ng liderato ng PhilHealth at gusto ng huli na ito ay tularan ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa.

No comments:

Post a Comment