Tuesday, October 8, 2024

Espesyal na mga Numero para sa mga Kandidato

Ni Mortz C. Ortigoza

Marami sa mga kandidato sa Mayo 2025 eleksyon ay naniniwala sa mga numero, senyales, at iba pa na bigay ng mga kaibigan at tagapayo nila. Hango daw ito sa astrology, tarot cards, feng shui at iba pa.

Gaya ng numerong otso o “8”, ayon sa mga Intsik  ito ay pinaka masuerte na numero sa kultura nila dahil sa pagbigkas ng “Ba” na magkatunog sa salitang “Fa”. Ang numero ay maghahatid daw ng magandang kapalaran sa isang tao. Ang otso o “8” ay nauugnay sa yaman, pag-unlad, tagumpay, at katayaun. Dahil dito ang nasabing numero ay nagugustuhan ng mga negosyante  (Istitutoitalocinese.org).

MAYORALTY candidates who filed their certificate of candidacy (COC) on the special date before they campaign to win an election. (From top left and clockwise): Calasiao mayoralty bet Patrick A. Caramat, Mangaldan reelectionist Mayor Bona Fe D. Parayno, Binmaley mayoralty candidate Sam Rosario, former Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao, and Sta. Barbara reelectionist Mayor Lito Zaplan.


Ako ay maghahain sa otso (ng Oktobre 2024),” ayon kay Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno tungkol sa kanyang certificate of candidacy (CoC) noong makapanayam siya ng writer na ito habang inaantay niya at ng kanyang mga opisyales at ng mga mambabatas na pinamumunuan ni Vice Mayor Mark Stephen Mejia ng local government unit (LGU) ng bayan ang turno nilang humarap sa mga pagsusuri ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa Kapitolyo sa Lingayen, Pangasinan para sa ordinansang ipinasa sa bayan nila.

“Naniniwala kayo Mayor sa lunario?” tanong ni Sta. Barbara Councilor Marking Cruz -- kung saan andoon din siya na nakatayo sa gallery ng SP kasama ang mga ka miyembro niya sa Sangguniang Bayan ng LGU ng bayan para rin humarap sa provincial lawmakers sa batas na ginawa nila.

“Oo,” pangiting tugon ni Mayor Bona.

Ani Councilor Cruz kahit si Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan ay maghahain din ng kanyang CoC sa otso ng buwan ng Oktubre. Ang nasabing petsa ay huling araw ng pag-file ng kandidatura ng mga kandidato sa buong Pilipinas na nagsimula noong Oktubre Uno.

Si patapos na Pangasinan 5th District Board Member Chinky Perez-Tababa ay maghahain din ng kanyang CoC sa kaparehang petsa ng buwan gaya ng dalawang alkalde na nasambit ko. Aniya gagawin niya ito dahil sa mga payo ng mga kakilala niya na mahilig sa nasabing numero.

“Saka birthday ko sa October 8,” dagdag niya sa writer na ito noong sinamahan niya si Pangasinan Governor Ramon Guico III at mga supporters nito para suportahan nila ang paghain ng CoC sa pagka alkalde sa Urdaneta City ni Maan Guico – maybahay ng gobernador – sa Commission on Election (Comelec) sa nasabing lungsod noong Oktubre Dos.

Para kay unopposed na kandidato para alkalde Patrick A. Caramat sa maunlad na bayan ng Calasiao ang numero otso ay sentimental at special sa kanya matapos siya maghain ng kanyang CoC noong alas nwebe - trenta ng Oktubre 8 sa Comelec.

“Well, October 8 is special for me because today is also the “monthsary” kumbaga kasi “8” namatay si mother ko. After one year and nine months I could start my promise to her to continue her legacy on serving the town’s people of Calasiao. This is only the first step I know. It’s a good start so I chose the No. 8 kasi pataaas siya,” sinabi niya sa Northern Watch Newspaper na may ngiti sa kanyang labi.

Ang kanyang inang si Mamilyn “Maya” Agustin- Caramat ay nanalo noong Mayo 9, 2022 eleksyon para alkalde. Pero sa dahil sa karamdaman siya ay lumisan noong  Enero 8, 2023.

Si Patrick ay anak ni retired Police Major Gen. Romeo Caramat, Jr. Ang batang Caramat ay popular at mahal ng mga tao ng Calasiao – tulad ng pambihirang pagmamahal na ibinigay nila sa kanyang ina.

Si Binmaley Vice Mayor Sam Rosario na tumatakbong alkalde laban kay reelectionist Mayor Pete Merrera ay naghahain din ng kanyang CoC noong Oktubre 8 sa Comelec.

Ani Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario na ang Team Sam niya ay maghain ng CoC eksakto alas otso ng umaga ng Oktubre 8  sa opisina ng Comelec sa coastal first class town sa central Pangasinan.

“Sa pag hain namin sa Oktubre 8 kung may oras punta kayo. Merong mass ng 6:30 ng umaga at pagkatapos nito before 8 o’clock eksakto nasa Comelec na kami. Para di kami maunahan magpapautos na ako bukas para mareserba ang misa sa simbahan sa 6:30 AM. Punta kayo doon!”, ani Rosario, na dating alkalde dito ng labing limang taon, sa salitang Pangasinan sa mga liders at mga taga suporta niya noong namigay siya ng parangal sa Inter-Barangay Basketball League’s Awarding Night at ang pag endorso niya sa mga ka-ticket niya noong Setyembre ng gabi dito sa Rufina’s Square Restaurant & Events Place.

 Noong tinanong siya ng writer na ito kung may impluwensya ang feng shui, pamahain, ritwal, o ano pa gaya sa mga ginagawa ng mga ibang kandidato kung kailan maghahain sila ng CoC nila, sagot ng Bise Alkalde na wala kundi bunga ito sa pinagusapan ng mga ka-tiket niya.

Babanggain ni Rosario ang mahigpit na kaaway at karibal niya sa pulitika na si re-electionist Mayor Pedro “Pete” Merrera. Ang dalawa ay nagbabatuhan ng demandahang administratibo at kriminal at mga maaanghang na salita sa mga pagtitipon at sa mga interbyu nila sa media.

KAHALAGAAN NG MGA NUMERO

Ang mga numero ay may halaga sa mga Intsik lalo na. Bahagi na ito ng buhay nila, kaya nilang magbayad ng mahal kung ang numero ng telepono nila ay may otso o “8”. Mas gusto nila na nasa eight o “8” floor ng building ang tirahan o  condominium nila.

Noong 2008 Beijing Olympic Games, nagsimula ang laro ng “8 minutes and 8 seconds past 8 pm on the 8th August, the 8th month of the 8th year of the 21st century” ayon sa Istitutoitalocinese.org.

Mga kandidatong congressman sa Pangasinan na nag “file” ng Coc nila noong Oktubre 8 ay sina reelectionist 2nd District and 3rd District Representatives Ma. Rachel Arenas at Mark Cojuangco.


PATI NUMERO 13 AY PAMPASUERTE RIN!

Noong unang nakipagsapalaran si billionaire-mayor Cezar T. Quiambao sa pagiging alkalde ng Bayambang, Pangasinan noong Mayo 2016 election, sinabi sa kanya ng feng shui expert na ang October 13 ay suerte na numero sa paghain ng CoC.
Ang feng shui ay “Chinese philosophical system of harmonizing everyone with the surrounding environment”.

Ani business tycoon Quiambao na dapat sa Oktubre 12 siya magpa ‘file” ng CoC para maiwasan ang Oktubre 13 na nababalot sa malas. Dahil sa biyahe papuntang abroad napilitan siyang mag file ng CoC ng Oktubre 13.
“Sabi sa akin ng feng shui master, Sir Quiambao mag file kayo, 13 is a good day from 9 AM to 11 (AM) so nakita ninyo ho nag file kami. Nag simba kami,” Aniya sa mga media men at kanyang mga supporters sa press conference na ginanap sa Royal Mall sa bayan ilang oras bago siya maghain ng Coc sa Comelec.

Ani feng shui expert na ang Oktubre 13 ay maging dahilan na siya ay maging successful na pulitiko. 

Ang maybahay ni Quiambao na si actress Nina Jose ang alkalde ng mayamang bayan ngayon.


No comments:

Post a Comment