Sunday, October 6, 2024

CELIA, BELEN MAGSASALPUKAN SA 2025 MAYORSHIP. BRIAN LIM, KUA SA VM

 MASAYA NA NAMAN ANG MGA VOTERS FOR SALE

NI MORTZ C. ORTIGOZA

DAGUPAN CITY - Binigla ng kampo ni dating Mayor Brian Lim ang mga tao dito nang maghain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagka alkalde ang ina nito ngayong Oktubre 7 ng umaga sa Commission on Election (Comelec).



CONTENDERS in the May 12, 2025 Battle Royal in Dagupan City: Mayoralty bet Celia Lim (top left) and reelectionist Mayor Belen T. Fernandez. 

Ang dating Alkalde ay tatakbong bise Alkalde laban sa may hawak ng korona na si Vice Mayor Bryan Kua.

Si Councilor Celia naman ay makipagsabak kay reelectionist Mayor Belen T. Fernandez para makuha ang korona ng pinakamataas na elektibong posisyon sa lungsod.

Inaasahan ng karamihan dito na ang batang Lim ang kalaban sa ikatatlong pagsabak sa perennial rival na si Fernandez

Tinalo ng batang Lim si Fernandez ng may 1, 239 margin na boto noong May 14, 2019 halalan sa pagka alkalde pero nabawi ng huli sa kanya ang korona noong iniwanan niya ang una ng may 14, 457 lead votes noong May 9, 2022 na salpukan.

Dahil sa pasya ni Lim at ng Ina na agawin ang dalawang korona ay nabuhayan na naman ng loob ang karamihan sa mga botante ng nasabing second class na lungsod dahil sa napipintong Battle Royale. Mabigyan na naman sila ng pagkakataon na makakatanggap ng libo-libong salapi sa mga bumibili ng boto sa mga gabi o gabi ng “pakurong” bago bumuto sa mga presinto nila.

Ang mga pamilya nila Lim at Fernandez ay mga kilalang may ari ng chain of malls sa Regions 1 at 3 ng bansa.

Sila ang bersyon ng higanteng pamilyang negosyante na mga Gaisano na may ari ng di mabilang na Gaisano Malls sa Visayas at Mindanao.

Ang labanan ng mga Lim at Fernandez kasama ang pinsan niya na si Kua at magpapakita muli sa kapalpakan ng Commission on Election (Comelec) na hulihin ang mga bumibili ng mga boto gaya sa mga pangyayari sa huling dalawang nagdaan na eleksyon.

Karamihan ng 138,721 nakarehistrong botante (Comelec 2022) ay nakatanggap ng libo-libong peso galing sa talamak na bilihan ng boto pero kahit isa sa kanila ay walang nahuli ng nagbubulagbulagang Comelec. Nabayaran rin ba ang mga pabayang mga opisyal dito?

Umabot ng P4,000 hanggang P7,000 ang natanggap ng kada isang botante noong Mayo 9, 2022.

SLATE NG TEAM BELEN-BK AT TEAM LIFE

Inilahad ng kampo ni Lim ang ticket niya: Mayor: Celia Lim (Nationalista Party (NP)); Vice Mayor: Brian Lim (Nationalist People’s Coalition (NPC); Councilors: Dada Reyna-Macalanda (NPC); Red Erfe-Mejia (NP); Alvin Coquia (NP); Dr. Malou Fernandez (NP); Irene Lim (NP); Alfie Fernandez (NPC) (lahat ng mga tinukoy ay mga reelectionist); Leo Cuaton (NPC); and Teddy Villamil (NP).

Ang grupong ito ay tinatawag noon pa man na Team LIFE (pagdadaglat o abbreviation ng Lim-Fernandez)

Maghahain sila ng certificate of candidacy (CoC) nila sa Oktuber 8 – ang huling araw ng “filing” sa buong Pilipinas.

Ang kandidato nila para labanan si dating Congresswoman Gina de Venecia – naka-alyansa ni Fernandez -- ay si dating Vice Mayor Attorney Alvin Fernandez (NP).

Noong Oktubre 4 inilahad din ng kampo ni Fernandez ang slate niya noong maghain sila ng CoC sa Comelec: Mayor: Belen Fernandez (Aksyon); Vice Mayor: Bryan Kua (Aksyon); Councilors: Michael Fernandez (Aksyon), Jigs Seen (Aksyon), Chito Samson, Joey Tamayo, Danee Canto, Karlos Reyna, Marvin Fabia, Joshua Bugayong, Dra. Jalice "Jaja" Cayabyab, at Christel Hillary "Tala" Paras.

Ang Team LIFE ay magpapakilala ng mga kandidato niya sa isang press conference sa Oktubre 7 ng alas dyes ng umaga na gaganapin sa Dagupan City’s Astrodome sa nasabing siyudad. Bago sila maghain ng CoC nila ng alas otso ng umaga ng Oktubre 8, magsisimba muna sila sa St. John the Evangelist Cathedral. Ang Team LIFE ay gagamit ng asul na damit sa umaga na yaon.

Ang mga kandidato ng Team Belen-BK ay gumagamit ng damit na pula o berde.


No comments:

Post a Comment