BINMALEY’S POLITICS
Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Dalawang otso ang napagkasunduan ng isang
kandidato sa pagka alkalde at ng kanyang kapartido para sa paghain ng
Certiciate of Candidacy (CoC) sa Oktubre 1 -8 ngayong taon.
Ani Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario na ang Team Sam niya ay maghain ng CoC eksakto alas otso ng umaga ng Oktubre 8 -- ang huling araw ng walong araw na kinakailangan ng Commission on Election (Comelec) sa filing ng kandidatura sa buong Pilipinas.
TEAM SAM. Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario
(4th from left) and former Vice Mayor Edgar Mamenta (5th
from left) proudly introduced to the public their ticket that includes seven
wannabe councilors for the May 12, 2025 election. Rosario and Mamenta,
respectively, are running for the mayorship and vice mayorship of the first
class coastal town in central Pangasinan. The endorsement ensues during the Inter-Barangay
Basketball League’s Awarding Night held recently at Rufina’s Square
Restaurant & Events Place in the town. |
“Sa pag hain namin sa Oktubre 8 kung may oras punta kayo. Merong mass ng 6:30 ng umaga at pagkatapos nito before 8 o’clock eksakto nasa Comelec na kami. Para di kami maunahan magpapautos na ako bukas para mareserba ang misa sa simbahan sa 6:30 AM. Punta kayo doon!”, ani Rosario, na dating alkalde dito ng labing limang taon, sa salitang Pangasinan sa mga liders at mga taga suporta niya noong namigay siya ng parangal sa Inter-Barangay Basketball League’s Awarding Night at ang pag endorso niya sa mga ka-ticket niya noong Sabado ng gabi dito sa Rufina’s Square Restaurant & Events Place. Kasama ng dating alkalde sa kaganapan sina dating bise alkalde Edgar Mamenta at Councilors Ariel dela Concha at Buday Cagaonan.
Noong tinanong siya ng writer na
ito kung may impluwensya ang Fengshui, pamahain, ritwal, o ano pa gaya sa mga ginagawa
ng mga ibang kandidato kung kailan maghahain sila ng CoC nila, sagot ng Bise
Alkalde na wala kundi bunga ito sa pinagusapan ng mga ka-tiket niya.
Babanggain ni Rosario ang mahigpit na kaaway at karibal niya sa pulitika
na si reelective Mayor Pedro “Pete” Merrera. Ang dalawa ay nagbabatuhan ng demandahang
administratibo at kriminal at mga maaanghang na mga salita mula nang sila ay maupo sa
mga posisyon nila noong hapon ng Hunyo 30, 2022.
“Wala pang kandidato (sa
kasalakuyan) sa pagka bise alkalde si (Mayor) Pete,” ayon kay Rosario sa mga reporters na
inimbita niya.
Biniro pa ni Rosario si dating Bise Alkalde Edgar Mamenta na kandidato
niya sa ikalawang mataas na elective na pusisyon dito na masuerte siya dahil
mukhang wala siyang kalaban sa pwestong tatakbuhan niya.
Isa sa mga rasones dito ay matapos pagsabihan ni Pangasinan 2nd
District Cong. Mark O. Cojuangco si Councilor Aning Alipio na huwag nang tumakbo
sa pagka bise alkalde at magpapapili na lang sa kasalukuyang pusisyon niya. Si
Alipio at ang ama nito ay malapit na tagasuporta at tao ng congressman.
Noong Setyembre 13 sinabi ni Mayor Merrera sa writer na ito na ini-endorso
siya ni Cojuangco at ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa Mayo 12 na
eleksyon.
“The Governor is now endorsing Mayor Merrera for the mayoral election
next year,” buong
pagmamamalaking sinabi ni Merrera sa writer na ito.
Ipinaliwanag ng Punong Tagapagpaganap na “nasa process of observation” pa
sila ng mga tagasuporta niya kung sino ang karapatdapat na magiging bise
alkalde niya para sa Mayo 12, 2025 Election matapos tanggihan ni dating Vice
Mayor Edgar Mamenta na magkasama sila sa halalan.
Isang may balak din na tumakbo para bise alkalde dito ay si dating Mayor
Rolando Domalanta.
Ang buong ticket bukod sa isa na surprise candidate sa pagka konsehales
ni Rosario ay ang mga sumusunod:
Mayor: Rosario; Vice Mayor: Mamenta; Councilors: Dela Concha at Cagaonan,
Coach Rey Baustista, former Councilor Luis Austria, Ricky Samson, Brgy. Lope
Ex-Kapitana Binalon, at Cedrik Francisco.
Buong pagmamalaking sinabi sa diyaryong ito ni Rosario na si Francisco ay "law graduate" noong tinanong siya kung mga propesyonal ang mga kandidato niya sa pagiging mambabatas.
“Kulang kami ng isa. Sino iyong
isa” Secreto! Baka masulot pa ng kabila,” mariing sinabi ni Rosario sa daan daang mga tao na pumapalakpak at
humihiyaw sa pagtitipon dito.
Bago tinapos niya ang talumpati sa entablado, bumanat pa si Rosario sa mga dating kasamahan niyang mga miyembro ng mayoryang konsehales na lumipat
na kay Merrera. Aniya wala siyang kasalanan sa pag-iwan nila sa kanya. Iyong
tatlo sa kanila ay mga inaanak pa mandin niya.
“No aya so Team Sam sikato ya so
grupo ya angapo la lamang balimbing agda kela kelangan (Itong Team Sam ito
iyong grupo na walang balimbing pag hindi ka na nila kailangan),” banat
nito sa salitang Pangasinan na tinanggap ng isa pang ikot ng sigawan at masigabong
palakpakan ng mga taga suporta niya dito.
No comments:
Post a Comment