Thursday, September 26, 2024

Mangnanakaw na Miyembro ng Kongreso

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Umabot na daw ng hanggang 45-50 percent ang s.o.p o cut o kupit ng Congressman sa contractor ngayon, ayon kay Atty. Harry Roque. Kaya nagsisipsip si Atty. Melvin Matibag kay Speaker Romualdez para e disbar si Harry R. dahil congresswoman ang maybahay ni Matibag.




Ang dalawa ay dating Cabinet Secretary ni President Rodrigo Duterte

Makapangyarihan daw sa House ang Speaker dahil kaya niyang dagdagan ang project na maibigay ng mga departamento ng gobyerno national sa isang distrito.

Kaya madaming Congressmen ang kumakapit na parang linta kay Romualdez na pinsang buo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sanamagan! Kung gayon sa P100 million na kalsada sa isang bayan, merong P45 million na kaagad sa bulsa si Congressman o Congresswoman!

Ilang bayan at siyudad ang meron ang isang Congressional district?

Paano ang share na 3 percent ng mga matataas na opisyales sa DPWH o Department of Public Works and HIGHWAY ROBBERY sa total project?

Paano ang share ng in-house na Commission of Audit (COA) na ayaw din magpatalo sa pangungumisyon ni congressman at DPWH?

Paano ang tubo ng contractor sa kalsada? Paano na ang kalsada, magkano na ang naiwan dahil inubos na ng mga buwitre at hyena sa Pilipinas?

Kaya pala kada tag ulan nabubutas ang mga kalsadang espalto at semento dahil puro substandard ang mga templada ng mga materyales.

Naalaala ko tuloy si dating Vice President Emmanuel Pelaez noong ma-ambush siya sa kanyang sasakyan ng mga killers lulan ng dalawang kotse noong July 1982 sa Quezon City.

Noong binisita si Pelaez sa ospital ni Police Brig. Gen. Tomas Karingal napabulatlat ang Bise Presidente: "WHAT IS HAPPENING TO OUR COUNTRY, GENERAL?!"

Ang tanong ni Pelaez ay hindi lang sa muntik niyang kamatayan kundi sa lumalalang peace and order, mga unsolved na patayan sa bansa, cronyism sa ekonomiya, at paglubo ng kahirapan sa Pilipinas noon.

Itong kasalukuyang mga walang puknat na nakawan partikularmente sa gobyerno na gawa ng mga opisyales tulad nila Tongressmen ay paulit ulit na umaalingawngaw hanggang ngayon sa mga pobre at walang magawang mga Pilipinong pinagsakluban ng langit at lupa.

Matanong ko nga kung totoo itong birada ni Roque Kay Atty. Matibog doon sa Congresswoman na tig tatatlong milyones na peso ang isa sa mga pinagyayabang niyang mga mamahaling imported na bag , relo, at mga alahas sa social media.

Tawag ko dito noong nagsusulat pa ako ng Inglis column ko ay : "ostentatious display of wealth in the public by government workers".

Bukod sa suspetsadong pinanggalingan ng yaman ni lady lawmaker, iyong pag display niya ng mga ill gotten wealth ay pinagbabawal na rin ng batas.

Congresswoman na magnanakaw at hambug pa?

My God! What happens to the Philippines?

No comments:

Post a Comment