Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – “I’m
neutral!” tugon ng billionaire-businessman-politician sa Pangasinan
noong kapanayamin ng writer na ito kung sino ang manok niya oras na maglaban
ang dalawang personalidad sa 3rd Congressional District ng
lalawigan.
Sinabi ni dating Bayambang Mayor
Cezar Quiambao sa gilid ng pagtitipon ng mga vanguards ng Alyansang Aguila -
kung saan kabilang siya dito - sa Urduja House na wala siyang susupurtahan kung
maglaban sa congressional post si reelective Representative Ma. Rachel Arenas
at si Police Major General Romeo Caramat.
Sa pagtitipon ng Alyansa na
kinabibilang nina Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, Vice Governor Mark
Ronald Lambino, 1st District Rep. Art Celeste, 2nd District
Rep. Mark Cojuangco, 5th District Rep. Monching Guico,
Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella at Quiambao, karamihan
sa kanila ay nagsabi sa mga bisita at reporters na andoon kung sino ang mga
manok nila na mga alkalde sa susunod na taong eleksyon.
Noong kapanayamin ng writer na ito
si Quiambao sa People’s Grand Ball & Balikbayan Night na ginanap sa
Bayambang noong Abril, sinabi niya na kay Arenas siya kung sakaling tumakbo sa
distrito si outgoing Senator Grace Poe.
“Pagkasama kasama,” aniya
kay Arenas na matagal ng kaibigan ng pamilya niya.
Kamakailan karamihan ng lima sa
anim na alkalde na mga ka alyansa ni Cong. Arenas (Lakas) ay lumipat sa
Nationalista sa pamamagitan ng panunumpa kay Governor Guico – pinuno ng partido
sa Pangasinan - sa Urduja House.
Sila ay sina Malasiqui Mayor
Noel Geslani, Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, Mapandan Mayor Karl Christian
Vega, at Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay. Ang maybahay ni Quiambao na
si Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose Quiambao ay dati ng
miyembro ng Nationalista.
Ang pamilya ng bilyonaryo ay may
ari ng Stradcom Corporation, isa siya sa mga arkitekto sa pagpabagsak sa
kapangyarihan ni Gobernador Amado “Pogi” Espino III sa kamay ni Guico noong May
9, 2022 election at ang pagkatalo ng kanyang kapatid na si dating 2nd District
Cong. Jumel Espino sa kamay ni Congressman Mark Cojuangco.
Si Quiambao at ang ama ng mga
Espino na si Amado - dating gobernador at congressman - ay dating magkaklase
noong highschool sa Bayambang, naging magka alyansa sa pulitika pero sa di
inaasahang kapalaran naging mortal na magkaaway.
Si Quiambao ang nag pioneer sa
unang multi-bilyon infrastructure project na Public-Private-Partnership sa
pamamagitan ng Metro Manila Skyway at ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR)
tollways noong 1980’s na naging sparkplug ng economic growth sa Metro Manila at
karatig na mga probinsya. Itong dalawang mega revolutionary projects ay naging
solusyon din sa bangungot ng transportasyon sa mga nasabing lugar. Ito lahat ay
nangyari noong bumalik si Quiambao sa Pilipinas galing sa trabaho niya sa
Indonesia na Executive Vice President ng PT Green Timber Java.
PHOTO CAPTION:
FREE ZONE. Billionaire
Businessman Cezar T. Quiambao (left, photo) is neutral in case reelective
Pangasinan 3rd District Rep. Maria Rachel Arenas dukes out with former Criminal
Investigation Detection Group Chief Major Gen. Romeo Caramat for the
congressional race in the May 12, 2025 election at the five towns one city's
district.
No comments:
Post a Comment