Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – “I’m neutral!” tugon ng billionaire-businessman-politician sa Pangasinan noong kapanayamin ng writer na ito kung sino ang manok niya oras na maglaban ang dalawang personalidad sa 3rd Congressional District ng lalawigan.
Sinabi ni dating Bayambang Mayor Cezar Quiambao sa gilid ng pagtitipon ng
mga vanguards ng Alyansang Aguila - kung saan kabilang siya dito - sa Urduja House
na wala siyang susupurtahan kung maglaban sa congressional post si reelective
Representative Ma. Rachel Arenas at si Police Major General Romeo Caramat.
Sa pagtitipon ng Alyansa na kinabibilang nina Pangasinan Governor Ramon
V. Guico III, Vice Governor Mark Ronald Lambino, 1st District
Rep. Art Celeste, 2nd District Rep. Mark Cojuangco, 5th District
Rep. Monching Guico, Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella at Quiambao,
karamihan sa kanila ay nagsabi sa mga bisita at reporters na andoon kung sino
ang mga manok nila na mga alkalde sa susunod na taong eleksyon.
Noong kapanayamin ng writer na ito si Quiambao sa People’s Grand Ball
& Balikbayan Night na ginanap sa Bayambang noong Abril, sinabi niya na kay
Arenas siya kung sakaling tumakbo sa distrito si outgoing Senator Grace Poe.
“Pagkasama kasama,” aniya kay Arenas na matagal ng kaibigan ng pamilya niya.
Kamakailan karamihan ng lima sa anim na alkalde na mga ka alyansa ni
Cong. Arenas (Lakas) ay lumipat sa Nationalista sa pamamagitan ng panunumpa kay
Governor Guico – pinuno ng partido sa Pangasinan - sa Urduja House.
Sila ay sina Malasiqui Mayor
Noel Geslani, Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, Mapandan Mayor Karl Christian
Vega, at Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay. Ang maybahay ni Quiambao
na si Bayambang Mayor Mary Clare
Judith Phyllis Jose Quiambao ay dati ng miyembro ng Nationalista.
Ang pamilya ng bilyonaryo ay may ari ng Stradcom Corporation, isa siya sa mga
arkitekto sa pagpabagsak sa kapangyarihan ni Gobernador Amado “Pogi” Espino
III sa kamay ni Guico noong May 9, 2022 election at ang pagkatalo ng kanyang kapatid na si dating 2nd
District Cong. Jumel Espino sa kamay ni Congressman Mark Cojuangco.
Si Quiambao at ang ama ng mga Espino na si Amado - dating gobernador at congressman - ay dating magkaklase noong highschool sa Bayambang, naging magka alyansa sa pulitika pero sa di inaasahang kapalaran naging mortal na magkaaway.
Si Quiambao ang nag pioneer sa unang multi-bilyon infrastructure project
na Public-Private-Partnership sa pamamagitan ng Metro Manila Skyway at ang
Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollways noong 1980’s na naging sparkplug
ng economic growth sa Metro Manila at karatig na mga probinsya. Itong dalawang mega revolutionary projects ay naging
solusyon din sa bangungot ng transportasyon sa mga nasabing lugar. Ito lahat ay
nangyari noong bumalik si Quiambao sa Pilipinas galing sa trabaho niya sa
Indonesia na Executive Vice President ng PT Green Timber Java.
No comments:
Post a Comment