Sunday, February 15, 2026

Cong. Rachel Pabor sa Cityhood Bid ni Bayambang sa 20th Congress


Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

DAGUPAN CITY – Pabor ang isang Pangasinan congresswoman sa pagiging lungsod ng mga bayan ng Bayambang at Malasiqui.

CITYHOOD. Pangasinan Third District Cong. Ma. Rachel Arenas (far left) exchanges pleasantries with Malasiqui Mayor Alfie Soriano and Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao. (Gemini)

Hindi nakapasok sa pag apruba ng 19th Kongreso ang Bayambang dahil kulang pa ang kanyang locally generated average annual income (LGAAI).

Matandaan na noong Abril 10, 2022, inamyendahan ng Republic Act 11683 ang

Section 450 ng Republic Act No. 7160 na kilala sa Local Government Code of 1991, as amended by Republic Act No. 9009.

Ani ng batas: "A municipality or a cluster of barangays with a locally generated average annual income, as certified by the Department of Finance, of at least Four hundred million pesos (P400,000,000.00) for the last two (2) consecutive years based on 2012 constant prices may also be converted into a component city if it has either a population of not less than one hundred fifty thousand by the PSA (Philippines Statistics Authority) OR (diin ng writer) a contiguous territory of at least one hundred (100) square kilometers, as certified by the Land Management Bureau; Provided, That three (3) years after the effectivity of this Act and every three (3) years thereafter, the threshold amount of Four hundred million pesos (P400,000,000.00) shall be increased by five percent (5%)”.

Aniya hindi pa kwalipikado ngayong mga taon ang malaking bayan niyang Malasiqui cityhood dahil kulang pa ang kanyang lokal na income.

                     POPULASYON, SQUARE KILOMETER NA LUPAIN

Ang Malasiqui ay may 144, 344 populasyon (2024 census) at 131.37 square kilometro na lupain at ang Bayambang naman ay may 129, 506 populasyon (2024 census) at 143.94 square kilometro na lupain.

BASEHAN

Kung pagbabasehan ang mga nasabing kailangan ng batas sa lupain, ang dalawang bayan ay pasok na sa mimimum requirement na P100 square kilometro.

Ang Bayambang ay may budget na ₱552,095,632.42, ₱573,163,840.35 at P651. 58 million noong taong 2023, 2024 at 2025. May pondo ang Bayambang na P637, 691, 050 ngayong taon.
Ang Malasiqui ay may budget na ₱456,199,281.46 at P542.60 million noong taong 2024 at 2025. May pondo ang Malasiqui na P609, 290, 748 ngayong 2026.
 

PLEBESITO

Bukod sa formal act ng Congress, kailangan ng isang bayan na magka plebesito ang mga residente kung papayag sila o hindi na maging lungsod ang nasabing bayan.

Mayroong 149 cities sa Pilipinas.

BENTAHE NG CITYHOOD

Ang bentahe nang pagiging lungsod ay mas malaki ang bahagi niya sa National Tax Allotment (NTA) – dating Internal Revenue Allotment (IRA) – galing sa pambansang gobyerno kada taon kaysa kasali siya sa grupo ng mga 1,493 bayan.

Pag umabot ang populasyon ng lungsod sa 250, 000 ay may karapatan siyang magka kongresman sa House of Representatives gaya ng Dagupan at San Carlos Cities pag umabot sila sa Census na lalabas ngayong taon o sa 2029.

 


No comments:

Post a Comment