Thursday, October 23, 2025

Mayor J.R, mga Opisyal Pinaghahandaan na ang Undas

 Ni Mortz C. Ortigoza

BASISTA, Pangasinan – Kasama ang mga sangay ng lokal at pambansang pamahalaan dito, inumpisahang nililinis na ng batang alkalde ang pumpublikong at pribadong mga sementeryo para sa pagdagsa ng mga tao sa Undas.

ALL SAINTS DAY. Basista Mayor Jolly “J.R” R. Resuello (3rd from right) leads his staff and members of the national agencies in the clean-up drive of public and private cemeteries in the landlocked town for the forthcoming All Saints Day in November 1 as Basistans visit their deceased loved ones.  


“Ating inumpisahan ang taon- taong nating ginagawang paglilinis sa ating pumpublikong sementeryo tuwing dumarating ang Undas sa ating bayan. kasama ang MDRRMO, SWMO, BFP, PNP, engineering’s office, Grace Guardian, at ang Mayor’s Office ay nag samasama upang pagkaisahan ang clean up drive na ito,” ani Mayor Jolly “J.R” R. Resuello.

Nilinisan rin ng alkalde at mga opisyal dito ang Roman Cemetery at Independent Cemetery para sa kaginhawaaan ng kanilang nasasakupan.

Asahan ninyo po na tayo po ay magiikot at papasyal sa araw ng undas upang imonitor ang tatlong sementeryo sa ating bayan,” dagdag ni Mayor J.R.

Aniya may mga nakatalaga ring mga kasapi ng health staff, Bureau of Fire and Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Guardian Grace, Philippines National Police (PNP), at mga barangay personnel sa Araw ng Undas upang mapanatili na ligtas at tahimik ang pagbisita ng mga taga rito at sa mga malalayong lugar sa kanikanilang mga mahal sa buhay.

No comments:

Post a Comment