Thursday, September 11, 2025

Solusyon Para Pagaanin ang Trapiko, Humikayat ng Investors sa Calasiao

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

CALASIAO, Pangasinan –Determinadong binibigyang solusyon ng bagong nakaupong alkalde na may pinakamatinding pagsisikip ng trapiko ng mga sasakyan sa Pangasinan na nangyayari sa pangunahing kalsada dito.

CALASIAO Mayor Patrick Agustin Caramat exhorts his leaders at his office on this file photo.

 “Bottleneck and is in the heart of the highway of Pangasinan. If you’re going from east to west vice versa dadaan at dadaan po kayo ng Calasiao major thoroughfare po talaga ito,” ani Mayor Patrick A. Caramat noong pinasinayaan ang bagong traffic light sa junction dito kung saan dumadaan ang mga sasakyan pabalik at paroon sa mga lungsod ng Dagupan, Urdaneta, at San Carlos at sa mga bayan ng Sta. Barbara, Binmaley, at Lingayen.

Ani Caramat sa isang panayam ng writer na ito na inisyatiba ni Governor Ramon V. Guico III sa pamamagitan ng dating mayor Kevin Macanlalay ang paglagay ng P11 million na traffic light dito. “It is through the initiative of our Governor Ramon V. Guico III. Siya po, isa po sa priority project niya sa bayan ng Calasiao knowing our municipality is a major thoroughfare from east to west dadaan ka pa po ng Calasiao”.


Aniya nakita ng gobernador ang prublemang trapiko kaya naglagay siya “ng isang traffic light po dito sa pinaka busy na intersection po sa bayan ng Calasiao”.

            POSO AT MMDA

Sinabi ng batang alkalde na dumaan ang mga miyembro ng Public Order & Safety Office (POSO) ng limang araw na seminar dito sa ilalim ng mga beteranong kasapi ng Metro Manila Development Authority (MMDA). “Pina-training po natin ang mga Public Order & Safety Office nang sa ganoon equip po sila ng mga training seminars na kailangan po nila sa paganap po ng kanilang tungkulin lalong lalo na po sa batas trapiko”.

Aniya pati ang mga miyembro ng jeep and tricycle association dito ay isinali sa pagsasanay para alam nila ang mga iba’t ibang batas sa kalsada.

Umaasa si Caramat na ang mga karanasan ng mga kasapi ng MMDA kung paano makipagbuno gaya sa dambuhalang trapiko na kinakaharap nila sa mga kalsada sa Metro Manila ay makakatulong sa mga POSO members dito.

ALTERNATIVE ROUTES

Ani POSO Chief Rolly dela Cruz, para mapagaan ang daloy ng mga sasakyan sa main highway, pinag aaralan nila ang alternatibong kalsada para sa mga sasakyan galing sa lungsod ng Urdaneta at bayan ng Sta. Barbara na dumaan sa Barangay Caranglaan at Barangay Tebeng sa Dagupan City at pabalik at paroon samantala ang mga sasakyan galing sa San Carlos City at Bayambang ay “puede na ring mag alternate route dito sa Lasip to Barangay Banaoang” aniya sa isang radio interview.

Dagdag pa ni Dela Cruz na merong 57 na miyembro ng POSO ang first class na bayan na ito kung saan 48 sa kanila ay nagpapatakbo ng trapiko dito.

CLUP, INVESTORS

Pagnasulusyunan ang problemang kalsada dito ay lalong makapaghikayat ang bayan na ito ng mga negosyante sa bagong comprehensive land use plan (CLUP) na ginagawa ng Caramat Administration. Ang CLUP ay isang  “comprehensive guide for managing urban growth, minimizing natural disaster risks, and balancing competing land uses, such as production, settlement, infrastructure, and protection areas”.


Ani Mayor titingnan ng mga investors ang CLUP kung saan maganda maglagak ng mga negosyo nila.  “(P)ara doon sila magput-up ng investment nila. Tinitingnan nila ang trend”.

“Ang huling pagawa ng CLUP dito ay noon pang taong 2022.

“I believe nag expire siya way 2022 until now on going sila sa data gathering then sabi naman ituloy na lang this year. Iyan ang ginagawa ng MPDO (Municipal Planning and Development Office)”.

Bago maging alkalde si Caramat siya ay may karanasang maging Administrator ng anim na buwan dito sa ilalim ng pamumuno ng kanyang inang si dating Mayor Mamilyn "Maya" Caramat. Ito ay naudlot noong namayapa ang unang babaeng alkalde dito noong Enero 8, 2023. Kalaunan ay nahalal na Barangay Chairman siya ng Nalsian at naging Pangulo ng Liga ng mga Barangay at naging ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng dalawang taon at kalahati. “You have already the glimpse – iyong expectation mo kung ano ang madadatnan mong prublema alam mo na,” aniya sa writer na ito noong unang nakapanayan siya bilang alkalde noong Hulyo.

Ang bayan na ito ay may 48.36 square kilometers (km2), may 26.2 feet elevation, at 100,471 na population (2020 census). Kasalukuyang merong P410 million appropriation budget ang landlocked na bayan na ito sa central Pangasinan.

No comments:

Post a Comment