Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Malapit nang matuldukan ang malapagong na usad ng trapiko na umaabot minsan sa isa hanggang dalawang oras na biyahi mula sa bayan na ito papuntang Dagupan City.
BRIDGE, HIGHWAY. Then Pangasinan 4th District Cong. Christopher “Toff” de Venecia graced the groundbreaking of the 411.150 meters' P132 million Calmay-Carael Bridge in Dagupan City. The bridge and the six–kilometer P2.5 billion Lingayen-Binmaley Diversion Highway will lighten up the monster traffic snarl in the 1.3 kilometer stretches of Barangay Nansangaan (infront of Sigay Fiestahan) going to Barangay Manat in Binmaley.
Aabot ng 14.7 kilometro ang layo ng capital town na ito sa Dagupan City.
Sa kasalukuyang ginagawang 411.150 metrong Calmay Bridge sa Dagupan City at anim na kilometrong bagong kalsada na magkukunekta sa bayan na ito at sa bayan ng Binmaley, ang dating mala kalbaryong biyahi ay magpapadali sa mga pampublikong sasakyan ng 20 minuto na lang.
Pinakamakapal ang trapiko sa 1.3 kilometrong
biyahing Barangay Nansangaan (harap ng Sigay Fiestahan) papuntang Barangay
Manat lahat sa Binmaley kung saan daanan ito ng mga tao na papuntang Bugallon,
Aguilar, Mangatarem, Tarlac, San Carlos City, at Dagupan City.
Ang apat na lane na Lingayen Bypass Road na dadaan sa Barangay Biec, Binmaley at ang tulay na konkretong dadaan sa Barangay Calmay at Barangay Carael sa Dagupan City ay nagkakahalaga ng P2.5 billion at P131, 738,446.00 (Packages 1 at 2), ayon sa pagkakabanggit.
Ang kalsadang gawa sa Portland concrete cement
pavement ay may apat na mga tulay, road safety devices, drainage, slope protection structures, at overpass.
Dahil sa tulay na magkukunekta sa dalawang barangay sa Dagupan, mapapabilis ang galaw ng mga 16, 000 residente nito na papasok sa mga eskuelahan, palengke, at mga health facilities sa mga bayan ng Lingayen at Binmaley at lungsod ng Dagupan. Itong Lingayen Bypass Road na magbibigay benepisyo sa 19,000 na sasakyan na dumadaan araw-araw at Calmay Bridge ay magpapalakas ng ekonomiya sa mga lugar na ito. Kasalukuyang naka depende sa mga motorboats ang mga tao sa dalawang barangay patungo sa kanilang mga destinasyon.
Ang P132 million na pondo dito ay ni-lobby sa
national government ni dating Pangasinan 4th District Representative
Christopher de Venecia at ang P2.5 billion ay ni lobby para sa Department of
Public Works & Highway ni dating 2nd District Cong. Leopoldo
Batoil.
Pinangunahan ni dating
Cong. De Venecia ang mga opisyales ng gobyerno ang groundbreaking ceremony ng
tulay noong December 20, 2024.
No comments:
Post a Comment