MANGALDAN, Pangasinan - Higit nang mapapabilis at mapapabuti ang pagsasaka ng limang samahan ng mga magsasaka dito na tumanggap kamakailan lang ng higit sa Php 4.6 milyong pisong halaga ng makinarya at iba pang kagamitan pangsaka mula sa Department of Agriculture (DA).
Isinagawa ang official turnover ng mga ipinamahaging agricultural intervention sa DA-Pangasinan Research and Experiment Center (PREC) sa Sta. Barbara, Pangasinan, mula sa pangangasiwa ng DA – Regional Field Office 1 (RFO1).
Pinangunahan nina Dr. Marvin Quilates, Agriculture Programs Coordinating
Officer, Atty. Gerald Tabadero na kinatawan ni Congresswoman Manay Gina VP. De
Venecia at ni Engr. Mario Mendeguarin na kumatawan sa Office of the Provincial
Agriculturist, ang pagpapasakamay ng milyun-milyong halaga ng agricultural
support sa mga asosasyon ng magsasaka sa Pangasinan Fourth District kabilang
ang Mangaldan.
Samantala, sina Agricultural Technologists, Daisy Dela Cruz at Jonathan
Lagera at Mangaldan Farmers and Irrigators Association President, Sonny
Soriano, ang kumatawan sa Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan para samahan ang
limang asosasyon sa kanilang pagtanggap ng mga makinarya at iba pang gamit
pangsaka.
Four-wheel drive tractor na nagkakahalaga ng PHP 3.48 million ang
ipinaabot sa Cluster-C Corn Growers ng Mangaldan kabilang ang mga barangay ng
Nibaliw, Macayug, Inlambo, Guiguilonen, Pogo, Palua at Embarcadero.
Naipasakamay naman sa samahan na Masanting ya Dumaralos na Macayug Inc.
ang PHP 399, 600 halaga ng apat na unit ng pump at engine set at dalawang unit
naman ang ipinagkaloob sa Mangaldan Green Yard Farmers’ Association, Inc. na
may kabuuang halaga na PHP 199, 800.
Habang ang Guesang Farmers Association Inc. ay nakatanggap ng isang unit
ng PHP 299,990.50 worth of multi-purpose cultivator at PHP 237, 429.50 halaga
ng limang unit ng knapsack sprayer, labinlimang pakete ng foliar fertilizer,
sampung piraso ng shovel at rake, bente pirasong trowel, siyam na rolyo ng
plastic mulch, limang piraso ng net mesh , 100 piraso ng plastic
crate,dalawampu’t limang piraso ng plastic drum, sampung piraso ng pallets,
singkwentang piraso ng seedling tray, sampung pirasong watering sprinkler at
bente piraso ng iba’t ibang klase ng buto ng gulay.
Tumanggap din ang Osiem Farmers Association ng kagamitan sa kanilang
papalaguing gulayan na nagkakahalaga ng PHP 69, 574 na naglalaman ng tatlong
unit ng knapsack sprayer, siyam na pakete ng foliar fertilizer, apat na shovel,
limang garden rake, labing-isang trowel, tatlong piraso ng net mesh, isang
daang seedling tray at tatlumpung pakete ng vegetable seeds.
Abot-langit na ngiti ang naramdaman ng mga benepisyaryong asosasyon ng
magsasaka dahil malaking tulong ito anila para mas mapagaan ang kanilang
pagtatrabaho sa gitna ng tirik ng araw o buhos ng ulan gayundin ay mabawasan
ang kanilang problema sa gastusin sa mga pangunahin nilang kinakailangan sa
pagsasaka.
Dahil sa matibay na pakikipag-ugnayan ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno
at ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa DA, ay tuloy-tuloy ang pagbuhos ng
umaapaw na tulong sa mga magsasaka hindi lamang sa hangaring mapaunlad ang
sektor ng agrikultura, ngunit maging ang pag-angat ng buhay ng bawat pamilyang
magsasaka sa bayan. (𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙙𝙖𝙣 𝙋𝙄𝙊)

No comments:
Post a Comment