SA AYUDANG P5-K KADA VENDOR; P10-M SA PAGPAPAGAWA NG PALENKE
Ni Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan – Nagpasalamat ang mag tatatlong termino na alkalde
dito matapos mangako ang gobernador ng tulong pinansyal sa mga nasunogan na
mga nagtitinda at pagpapagawa ng nasunog na pamilihang bayan.PANGASINAN Gov. Ramon V. Guico (left) and Basista Mayor Jolly "J.R" Resuello.
“Sa ngalan ng Bayan ng Basista kami po ay lubos pong nag papasalamat sa provincial government headed by Gov. Ramon “Monmon” Guico III sa kanilang walang sawang suporta, pagmamahal, at malasakit sa mga vendors na naapektohan ng sunog noong Mayo 9 sa ating bayan,“ ani Mayor Jolly “JR” Resuello noong bumisita dito kamakailan si Pangasinan Gov. Ramon “Monmon” V. Guico III, Provincial Administrator Ely Patague, Board Members Philip Theodore Cruz at Haidee Pacheco, at Provincial Social Welfare and Development Office Head Annabel Roque.
Ang pangasiwaang Guico ay namahagi ng P5,000 pinansiyal na tulong sa
bawat 303 na mga stall owners na nasunugan at nangakong maglaan ng P10 milyon sa
pagpapagawa ng dalawang palapag na pamilihang bayan.PART of the 303 stall owners at the public market of Basista, Pangasinan whose wares have been gutted by fire.
“Ito pong matatanggap ninyo ay
tulong ng province at tulong po ng bawat isa po na naririto. At pinakamaganda
po sigurong balita ay hinahanapan po namin ng pondo --- of course ang
provincial officials they agreed with us -- na kailangan natin ng lunas kagaya itong
sitwasyon ninyong mga nagtitinda at mamimili ng rin sa bayan ng Basista. Bukod
sa mga nasunugan magbibigay po kami ng P10 million sa bayan sa Basista,” ani Gobernador Guico.
Tinupok ng apoy ang pampublikong pamilihan ng third class na ito noong
Mayo 9 ngayong taon.PROVINCIAL Administrator Ely Patague.
Ani Guico ang P10 milyon na ayuda ay makakatulong para hindi na babahain
ang pamilihan at maging komportable ang mga mamimili na maging dahilan para
lumakas ang mga benta ng mga vendors.
No comments:
Post a Comment